Red's POV: Iniisip ko kung ano ang pakiramdam ng may nag-aaruga sa akin ngayon. Yung may magulang na lagi kang binubulyawan dahil sa tagal mong umuwi, o kahit man lang sa simpleng bagay. Tss. Namimiss ko tuloy si Auntie. Tumalikod ako nang maramdaman ko ang malambot na hinihigaan ko. Luh! Bakit nasa kwarto na'ko? At saka... Nagmamadali akong tumayo at humarap sa salamin. Hmm okay lang naman, hindi na ako si Miss Red. Nagising ba ako ulit kagabi at dinala ang sarili ko dito sa kwarto? Sana naman walang nakakita. Siguro naman wala. *RING* "Ay! Baklang kabayo! – p*tang in*ng telepono yan oh!" Napasigaw ako sa gulat dahil sa pagtunog ng intercom sa kwarto. Akmang pasasabugin ko na ito at naglabas ng maliit na mana sa palad ko, nang maalala kong hindi sakin 'to. Kaya sinagot ko na la

