31

1169 Words

“YOU’RE jobless, Mom.” Kinurot niya ang matambok na pisngi ni Ross na tuwang-tuwa sa ice cream nito. Nasa mall sila. Nakaupo sila sa isang bench na malapit sa malaking fountain. Dahil bigla-bigla ay wala na siyang trabaho, nagdesisyon siyang gugulin ang buong araw kasama ang anak niya. Niyaya niya itong mamasyal sa ibang lugar ngunit mas gusto raw nito sa mall. Kahit natatakot siyang muling makita roon si Logan, wala na siyang nagawa sa gusto ng anak niya. Naisip din niyang matutulungan pa nila si Jay sa shop nito. “Don’t worry, anak, you won’t starve,” natatawang sabi niya. “Mas tumataba ka yata,” puna niya. “Wala ka na yatang ginagawa rito kundi kumain nang kumain.” Dahil siguro sa naranasan niya dahil sa katabaan, naging conscious siya sa diet ng anak niya. Likas itong tabain. Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD