“SASAMA ako, Logan.” Mariing umiling si Logan sa pakiusap ni Margarette sa kanya. Kahit lumuha pa marahil ito ng dugo, hindi niya ito isasama. Hindi niya itataya ang kaligtasan nito. Hindi niya kakayanin kung pati ito ay manganganib ang buhay. Naghahanda siya para sa paglusob sa kuta ng mga kidnapper—ang mga tauhan ni Calvin. Salamat kay Audrey dahil sa mga impormasyong ibinigay nito sa kanya. Nagtungo raw ito sa opisina niya at nadatnan nitong aligaga si Archie. Kinulit nito ang assistant niya hanggang sa sabihin nitong dinukot ang anak niya ng yaya nito. Nag-isip pa raw ito nang maigi bago siya tinawagan nito. She was loyal to her husband but her conscience was bugging her. Sa huli ay nagdesisyon itong magsabi sa kanya nang totoo. Narinig daw nito noong isang gabi na kausap ni Calvin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


