Nawalan na ko ng ganang kumain dahil sa nakita ko. Nandito kami ni Steph sa food hub at siya lang yung bumili kasi palagi naman yung gutom. While heto ako nakasimangot kasi naiinis talaga ako. Hindi ko din magawang makipaghalubilo sa mga kakilalang makikita kong dumadaan sa table namin.
"Bakit ba siya nandito kasi? argh!" Gigil na tanong ko kay Steph nang makabalik ito sa pwesto namin. May dala-dala na siyang kanin at adobo. Nakakatakam yung amoy pero wala talaga akong gana.
Inirapan niya ko. "Seriously? School to ter. Edi syempre mag-aaral siya dito."
Napabuntong hininga ako. Sabagay tama nga siya pero. "Hindi naman kasi siya dito nag-aaral diba. Talagang nagtransfer pa siya dito kahit graduating na siya?"
Bakit naman diba? Kung kailan matatapos na siya ay tsaka niya lang naisipan mag transfer?
"Hay nako dai, wag ka ngang assuming. Di naman siguro ikaw yung dahilan ng pag transfer niya diba?" natatawang angil niya.
Sinimangutan ko siya. "Hindi naman ako nag aassume no, nakakainis lang kasi. Akala ko hindi nako galit sa kanya. Look, its already f*****g 4 years Steph since tinarantado niya ko. Pero nandito pa din yung galit. Nandito pa din yung mga tanong sa isip ko. Andaming BAKIT sa isip ko." gigil na angil ko sa kanya habang magkasalubong ang dalawang kilay ko.
Hindi ko naman talaga iniisip na ako yung dahilan nang paglipat niya dito. Hindi niya na ako mahal kaya impossible yun.
"Umamin ka nga sakin, hindi ka pa ba nakakamove on dun? Hoy umayos ka may boyfriend ka! Ilang taon na kayo ng boyfriend mo isipin mo yun." nakataas ang kanyang kilay habang sinasabi yun.
Yes, tama siya. May boyfriend na ako si John Ramirez. Two years na kaming magkasintahan at masaya ako kapag kasama siya. Si John ay anak ng business partner ng parents ko. Kaya botong-boto si Mommy sa kanya. Gwapo si John, maputi at matangkad. May matipuno din siyang pangangatawan. Magkaibigan na kami dati, hindi naman kasi mahirap siyang maging kaibigan kasi magkavibes kami. Palabiro kasi siya, kapag kasama ko siya ay walang araw na hindi ako tatawa. Hindi ko pa nga lang kayang ibigay ang 100% love and trust ko sa kanya dahil takot na akong maloko uli gaya ng dati.
"Hoy! Nakamoveon nako no. Naiinis lang talaga ako. At tsaka mahal ko na si John." deretsong sagot ko.
"Mabuti naman kung ganon." aniya at nagpatuloy sa pagkain niya.
Nang matapos siya ay agad kaming dumeretso sa room at buti nalang wala pa yung Prof namin.
Hindi pa din mawala sa isip ko kung bakit nandito si Axel. Dahil sa sobrang pag iisip ay di ko na namalayan na nandyan na yung prof . Lutang na lutang ako na kahit ang pagdismiss ng klase ay di ko na rin namalayan. Hays.
"Hoy bruha! Bakit nakatulala ka dyan?" Gulat na gulat ako sa biglaang pagsigaw ni Steph.
"Ano ba naman Steph! Yung bunganga mo ang laki putek." Inis na ani ko.
"Eh kanina pa kita tinatawag kasi uwian na nakatunganga ka pa din dyan. Di ka ba susunduin ni John ha?"
Hala na wala sa isip ko. May date pala kami ng bebe ko, pero wala na akong ganang gumala.
Dali-dali kong tinignan yung phone ko at naka 5 missed calls na ang mokong. Tinawagan ko siya agad. Isang ring palang ay sinagot na niya ang tawag ko. Haha di naman masyadong halata na in love siya sakin. Diba?
"Hello, love. Sorry di ko nasagot agad. Now lang natapos yung class namin eh." sabi ko.
"Okay lang, love. Nandito nako sa parking lot. Where are you na?" malambing na ani niya.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti. "On the way na, love. See you. Wait for me."
"Okay, love. Take care. Iloveyou." aniya.
"Sige, love. Bye!" Binaba ko na ang tawag.
Dali-dali naman kaming bumababa ni Steph, nasa second floor pa kasi itong room namin ngayon. Naghiwalay na kami ng daan ni Steph nang makababa kasi uuwi na din siya at magcocommute lang din naman siya. Niyaya ko nga yung sumabay na sa amin kaso ayaw niya daw maging third wheel.
Nang malapit nako sa parking lot ay kitang kita ko na ang kotse ni John. Nakatayo siya habang nakasandal sa kotse. Ang gwapo ng boyfriend ko hehe. Gwapo si John. Oo, pero mas gwapo at may dating si Axel. Wait what?? Mygod. Bakit ko pa ba sinasali yun. Agad ko din itong binura sa aking isip.
Umalis si John sa pagkakasandal niya at sinalubong ako ng mabilis na yakap.
"Hey, love!" malamyang bati ko sabay halik sa pisngi niya.
"Let's go?" Nakangiting sabi niya.
"Sure."
Pinagbuksan niya ako ng pinto, nang makapasok ako ay isinara na niya muna ito bago umikot upang pumasok sa kabila. Ikinabit ko naman ang seat belt ko.
"Where do you wanna go?" Nakangiting tanong niya.
"Ahh, love pwede bang sa condo nalang. Pagod kasi ako eh. Kain nalang tayo don." Sagot ko. Di naman ako pagod pero wala lang talaga ako sa mood gumala.
Nawala bigla yung ngiti niya. "Ganon ba, love? Okay, sige." pilit na ngiting ganti niya.
Naging tahimik ang buong byahe hanggang sa makarating kami sa condo. Pilit niya man akong kinakausap pero wala talaga ako sa mood kaya hindi ko siya masabayan. Wala talaga ako sa mood ngayon at alam kong maiintindihan niya naman ako.
Nang makarating kami ng Amelia Townhouse kung saan ako nakatira ay nagpaalam muna si John na magc-cr muna. Di na daw niya kayang pigilan kung sa mismong condo ko pa iihi. May cr naman dito sa baba.
Nakaupo ako dito sa may waiting area ng building, may couch kasi dito na pwedeng upuan. Bigla nalang nag vibrate yung phone. It is a text from an unknown number. Sino naman kaya ito?
From: 09*******12
Ma'am, Shopee po ito.
Anong shopee? di naman ako nag order ah.
To: 09*******12
Wala po akong inorder. Sorry baka wrong number po kayo?
Reply ko dito, baka wrong number lang si Kuya? (kuya kasi madalas lalaki yung sa shopee)
From: 09*******12
Meron po, Ma'am.
To: 09*******12
Ha? ano naman po yun, kuya?
From: 09*******12
"Second chance" for me.
To be continued. . .
A/N: If you liked this chapter, please consider giving it a vote.