What the hell is she doing? Hahayaan niyang pagpiyestahan siya ng mga ungas na iyan? Napailing na lang si Mosaic sa bulok na plano ni Lovie. Isasakripisyo talaga nito ang sarili para sa kaligtasan ng lahat? Hindi niya alam kung para saan ang galit niya ngayon. Pakiramdam niya ay gusto niyang pagbabarilin isa-isa ang mga lalaking tila tumutulo pa ang laway habang nakikita ang hubad na katawan ng babae. “Uf! Come on, Lovie!” Gusto man niyang puntahan ito ngunit may iba siyang misyon. Agad siyang tumungo sa gawi ng van kung saan may tatlong tao ang bantay at nakatingin sa gawi ng kumpulan kung saan fiestang-fiesta ang mga kasama sa nakikita. Ayaw niya na lang tingnan ang gawi nito dahil masyado na siyang naiinis. Hindi siya makakasalakay kung mag-isa lang siya kaya naman ay tinangg

