Daddy? Tama ba ang narinig ko? Tinawag ni Lovie si Marco na… daddy? Napakurap na lamang si Mosaic habang nakikita niyang niyayakap ni Lovie ang boss niya. May… naunang anak si Boss Marco? O babae niya si Lovie? Tila kay bagal ng mga sandali at pakiramdam ni Mosaic ay sasabok ang utak niya sa pagkalito. Kung anak ito ni Marco… ibig sabihin… nakaniig niya ang anak ng… boss niya na pinagbabawal na gawin? Kung babae ni Marco si Lovie, baka… mapatay pa siya nito? Naka-move on na ba si Boss Marco kay Ma’am Ava? Hinalikan pa ng boss niya ang noo ni Lovie at niyakap ito. “Good to see you safe, Lovanah!” Nababato na si Mosaic sa nangyayari at kahit hindi niya sinasadya, umiinit ang batok niya sa nakikitang pagyayakapan ng dalawa. Ilang sandaling nagyakapan sina Marco at Lovie hanggang

