Pangalawang araw na iyon na wala si Elizabeth at Sophia sa hospital. Kahit ang mga doctor sa ER ay nagtataka na din. Sinubukang kausapin ni Alexander si Dr. Soo pero parati iyong busy at para bang nagkukunwaring busy at iniiwasan siya. Nakukutuban nang binata na tila may alam ang doctor na hindi sinasabi sa kanya. “Narinig niyo ba? Wala na sa Hospital si Dr. Elizabeth.” Ito ang narinig ni Alexander mula sa mga doctor na nag-uusap sa isang mesa sa cafeteria. Kakatapos lang nang trabaho niya s ER at naisip niyang kumain sa Cafeteria sakto namang pagdating ni Alexander nang marinig niya ang sinabi nang doctor. Pasimple siyang matapos kumuha nang pagkain. Pasimple siyang naupo sa mesa malapit sa mga ito para marinig ang pinag-uuspan nang mga ito. “Dinig ko din. Sabi ni Dr. Mendez. Inaproba

