AMSD 29

6835 Words

Isang pagkakamali ang sumama ako sa lentek na pag-akyat sa talon sa bundok. Nanatili nalang sana akong nagmukmok sa bahay imbis na ganitong hindi ko alam kong nagagalit ba ako o nagseselos. 'Di ko alam alin sa dalawa ang nararamdaman ko. Kitang-kita ko ang paghaharutan nina Greg at Katness sa malamig na tubig. Nakahubad ng pang-itaas si Greg kaya itong si Katness na halos pumutok ang dibdib sa hapit ng suot na t-shirt ay tuwang-tuwa sa katawang nakalahad sa kanya. Abala sila sa kasiyahan samantalang ako napag-utusang mangahoy ng panggatong. Porket sanay ako sa bundok ako lang ang naghanap ng panggatong. Binagsak ko sa lupa ang mga kahoy na nakuha ko't sinamaan ng tingin ang dalawa na nasa tubig. Hindi naman nila pansin kasi nga nalulunod sa paghaharutan. Nagbabasaan pa ang mga baliw alam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD