Chapter - 08

2182 Words
.. Yuna's POV.... Hiyang- hiya ako kinabukasan ng umaga pagkakita sa mga alak na binuksan ko at binasag .todo hingi ako ng sorry sa mga maid don. " okey na nalinis na namin, ang problema lang kung anong gagawin ni Sir,  alam mo ba na pinaka mamahaling alak yun mga binuksan mo galing pa sa ibang bansa. " sabi sakin ng katulong na si Lutchi. Napakagat labi naman ako s narinig sabay aray, namamaga nga pala ang labi ko sa nangyaring halikan kagabi sa pagitan namin ni Paolo Villanueva. " lasing na lasing ka kagabi, inaakit kita paakyat para matulog pero ayaw mopa eh, anong oras ka umakyat sa kwarto? " tanong ni Criselda. Walang kamalay-malay sa nangyari. " diko na alam kung anong oras yun eh" iwas ko .mabuti nalang at una kaming nagising dalawa, kahit masakit ang ulo ko sa alak kagabi. " ano nang gagawin natin, baka magalit ang tito ni Sir Tristan sayo" nagaalalang sabi ni Criselda . " bayaran ko nalang siguro" "Ha?  Pano?  E baka nga kulang pa ang sahod natin dalawa sa presyo ng mga alak na yan. " Napabuntong hininga nalang ako. Nakita namin sila Jane ar Tristan na pababa ng hagdan. Nakaramdam na naman ako ng kirot ,di namin kasamang matulog sa kwarto si Jane, ibig bang sabihin non magkatabi sila. "Anong nangyari? " Tanong ni Tristan pagkakita sa nga bote ng alak na nasa baba. . Ikinuwento naman ng katulong na si Lutchi ang ginawa ko. Nagtaka pa kami ng tumawa ng malakas si Tristan sa nalaman. " ilang taong inipon ni Uncle ang mga alak na to,ni hindi nya yan pinapatikman kina daddy tapos ganito ginawa mo hahahaah" anang lalaki. " buti di ka pinalayas non kagabi" sabi naman ni Jane. " oh sya kumain na tayo at babyahe pa kayo pa cavite. " si Tristan. " Lutchi tawagin mona si Uncle at kakain na" Agad naman sumunod ang katulong, nauna na palang umuwi kagabi si Jun dahil malapit lang ang bahay ng ate nito don. Kinabahan ako pagkarinig sa yabag ng paa ni Paolo Villanueva, di ko malaman kung saan ibabaling ang tingin ko ,.pero kahit anong pagiwas alam kong baliwala na dahil nagtama na ang aming mga mata ng maupo sya sa tapat ng upuan ko.. Naka office suit ang lalaki at bagong paligo na. Agad itong hinainan ng kape ng maid. " i have a meeting this morning kaya mauna na ako sa inyo,  " sabi nito samin. Partikular sa akin na nagiwan pa ng titig sa mga labi ko. Lalo naman nagbuhol ang t***k ng puso ko sa titig na yon. " Tristan kaw na muna ang bahala dito,  i need to go" Inubos lang nito ang kape at umalis na. Nakahinga naman ako ng maluwag. Lihim akong nagpasalamat at di nya binanggit ang tungkol sa mga alak na pinakialaman ko. Pagbalik ng isang maid ay iniabot nito ang cp ko sa akin. " sayo yata to miss, nakita ko sa tabi ng pool" "Ha thank you" Naiwan ko nga pala to kagabi dahil sa halikan-----.. Namula ang mukha ko ng maalala yon, tila nararamdaman kopa ang mariing halik ni Paolo Villanueva sa labi ko. Napailing ako sa naisip. Iniwasan kong isipin pa yon. " anong nangyari sa labi mo? " nag angat ako ng tingin sa tanong ni Tristan. "Ha? " " parang namamaga ang labi mo" sabi pa nito. " ai oo nga Yuna, baka allergy ka sa alak na nainom mo kagabi! " sabi naman ni criselda. Kung alam nyo lang. Hmmm Pagkakain ay agad kong ichinarge ang low batt na cp. Agad akong nakarecieve ng isang unknown number message. Kunot noong binasa ko yon. Im happy to see your swallon lips in the morning knowing it s because of my kiss. Yun ang sabi sa message na nag patibok muli ng malakas sa dibdib ko. Paano nalaman ng Paolo Villanueva na yon ang number ko?  Lumipas ang mga araw., pinilit kong iwasang magsolo kaming dalawa ni Tristan, lalo na at kalat na sa A&A na magkasintahan na sila ni Jane. Araw araw din akong nakakarecieve ng textmessages galing kay Paolo Villanueva, kung ano ano lang namang pangungumusta.  Nalaman ko pa kay Mona na gumawa ng sss account ang lalaki para i add ako. " kahit sino kay uncle at kuya ang maging asawa mo okey na sakin, basta maging ate talaga kitA" Sabi pa ni Mona sakin .sya lang daw ang sinabihan ng uncle paolo nya about sa akin. Tinanong daw ni Paolo ito kung ano ang sss ko. " you know what ate Yuna, i think uncle Paolo like you, lagi kase nya akong tinatanong about you, im scared of him kaya sinabi ko, sorry ate" sabi pa ng bata. Mahigpit daw na binilinan ng lalaki si Mona na sekreto lang ang paguusap nila about sakin. Tama ako ng hinala, tinamaan sakin ang tiyuhin ni Tristan. Ikwinento ko naman lahat kay Vanessa , " nagkiss na pala kayo eh bakit di nalang sya ang gustuhin mo, mukang bet ka rin naman nung tao" sabi nito na ni hindi nabigla sa kwento ko. " di mo ba ako tatanungin kung bakit nakipaghalikan ako sa kakikilala ko lang " i asked. " hindi, kase nature na yan halikan na yan no, at sigurado akong gwapo ang Paolo na yun kaya madala ka sa halik nya, siguro panahon na para kalimutan mo si Sir Tristan" Nakakapanibago naman ang bestie ko, nito lang pinayuhan nya ako na akitin si Tristan, ngayon naman inirereto nya ako sa iba ,at asan na ang kahinhinan nito?  Diba maria clara daw ito?  Bakit kung magsalita eh parang may asawa na. " magtapat ka nga bestie, lagnat ba talaga ang naging sakit mo?  O  natipuz ka?  "Biro ko. "Gaga! " binato nya ako ng unan. Lumipas pa ang ilang araw, tila nananadya ang pagkaktaon. Nagkaroon ng one week vacation ang company namin, saktong may outting sa boracay ang tropa nila Paolo at ininvite kami. Ayoko sana dahil makikita ko lang muli si Paolo Villanueva, pero pinilit ako ni Vanessa. Hindi pa kase kami nakakarating don. At dream nya yon, syempre ako din. Libre naman lahat kaya pumayag na ako. Natuwa ako dahil hindi makakasama si Jane,  umuwi ito sa probinsya. Bali kami nila Vanesaa, Criselda, Jun at Lenard ang kasama saka syempre si tristan. " kaya naman pala nadala ka sa halik eh, gwapo naman pala , aarte kapa? " pasimpleng bulong sakin ni Vanessa pagkakita kay Paolo. Siniko ko lang ang kaibigan. Araw yun ng sabado, dalawa kaming van na nagbyahe pa bora,  kasama kase ng ilang kaibigan ni Paolo ang mga gf at asawa nila. Katulad ni Bryan. Kasama nito ang misis na si Aiza, si Sonny naman ay kasama ang finace na si Lira. At ang current gf ni Charls na si Aimee. Sobrang ganda pala talaga ng boracay. Napaka linis at kulay puti nga talaga ang buhangin, tuwang tuwa kaming tatlong magkakaibigan. Magkakasama kaming mga babae sa kwarto sa kabila naman ay mga lalaki. Iisa ang sala at may sariling kusina yon.may terrace din kung saan tanaw ang malawak na dagat. Agad kaming ngbihis at gumala sa paligid. Mas okey na yon para maKaiwas ako sa paningin ni Paolo Villanueva,  ilang ulit na nagtangka ang lalaki na kausapin ako pero kusa akong umiwas. Mabilis naming nakagaanan ng loob ang mga kasamang babae nila Charls. Kaya naging magkakaibigan agad kami lalo na si Aiza na asawa ni bryan. Sumapit ang gabi naggawa ng bonfire ang mga lalaki at nagluto kami ng marshmallow. Umupo kami ng pabilog sa paligid ng apoy. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko, agad akong nag angat ng tingin sa pagaakalang si Paolo yun pero si Tristan pala. Tipid ang ngiti na ibinigay ko sa kanya. " pwede kabang makausap saglit? " bulong nito sakin. Kakaiba ang lungkot na nakita ko sa mga mata nya. Tumango naman ako at umalis kami palayo sa grupo. Naglakad lakad kami sa tabing dagat. Medyo maalinsangan ang hangin kahit gabi dahil summer pa non. Tila nakikiramdam ako sa lalaki. Maya maya ay tumigil ito sa paglalakad kaya napalingon ako sa kanya. " matagal kona tong gustong itanong sayo Yuna, pero iniiwasan mo ako nitong mga nakaraang araw.i think i need to know the truth " sabi ni Tristan habang nakatingin sakin. " ano yon? " " nung nakita kang umiiyak ni uncle sa bahay namin, dahil ba yon sa nakita mong maghahalikan kami ni Jane? " Natigilan ako sa tanong na yon. " at kaya kaba naglasing sa bahay nila Uncle, dahil ba yon sa sinabi ni Jane na kami na? " Di ko alam kung anong sasabihin ko,. Pero naisip kong panahon na siguro para ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko. Ilang segundo akong nakatungo lang bago ko nagawang salubungin ang mga mata nya, at nangingilid ang luha ko nang  tumango sa kanya. ( musi background: I DON'T HAVE THE HEART) Your face is beaming You say it's 'cause you're dreaming Of how good it's going to be You say you've been around And now you've finally found Everything you wanted and needed in me " oo, " tila bulong lang na sabi ko, iilan lang ang tao sa gawi na yon ng boracay. "Y-yuna... " malungkot na anas ni Tristan. Tila di makapaniwala sa pag-amin ko. Ramdam kong umiiwas sya na masaktan ako. " oo Umiyak ako dahil nakita ko kayo ni Jane na naghahalikan, umiyak din ako nung pinagsigawan nya na kayo na, nasasaktan kase ako, kase akala ko ....magiging tayo, " kumawala ang hikbi sa mga labi ko. In a split moment i thought i saw a happiness in him pero agad yon napalitan ng tila lungkot at panghihinayang. Tristan tried to get closer, pero umiwas ako. " matagal kitang hinintay, umasa ako,... Nagdasal na sana pag magmamahal kana ako yun pipiliin mo, kase gusto kita non paman. Gustong -gusto kita Tristan, at akala ko yun ipinapakita mo, yun sweetness mo, yun pagka over protective mo sakin,akala ko mahal mo rin ako,hindi pala" tuluyan na akong napaiyak sa harap nya. I don't have the heart to hurt you It's the last thing I want to do But I don't have the heart to love you Not the way you want me to0 Inside I'm dying To see you crying How can I make you understand I care about you So much about you, baby I'm trying to say this as gently as I can Bumuka ang bibig nya na tila may sasabihin pero muli iyon itinikom. "Matagal na kitang mahal" i finaly said. " im sorry Yuna" sabi ni Tristan at nagtangka syang yakapin ako pero umiling ako sa kanya kahit nanlalabo na ang mga mata ko sa luha .naninikip na rin ang dibdib ko sa panunumbalik ng sakit.pero aaminin kong mas gumaan ang pakiramdam ko dahil nasabi kona rin sa wakas ang lahat sa kanya. " wag kang mag sorry dahil hindi mo ako mahal, tanggap kona .kailangan ko lang masanay  " " no" umiling iling si Tristan. " i need to stay away from you hanggang sa makalimot ako" " Yuna naaalala moba yun sinabi ko sayo? Ayokong may magbago sa atin whatever happen.masyado kang mahalaga sa akin,ayokong.mawala ka sa buhay ko,you're my friend." " paano naman ako? Yun feelings ko,kapag lumapit pa ako sayo baka hindi kita makalimutan" sabi ko sa pamamagitan ng mga hikbi. " im sorry Yuna" hinawakan nito ang kamay ko. " sa ngayon alam kong nasaktan kita pero diko sinasadya yon,yun ipinapakita ko sayo totoo lahat yun dahil special ka sakin.kaya lang hindi ko pa kayang suklian ang nararamdaman mo,ayokong masaktan kita at mawala ka ng tuluyan sakin,kaya mas gugustuhin ko pa ang maging kaibigan ka." Malungkot na sabi nya na lalo kong ikinaiyak.tuluyan nya akong niyakap hanggang matuyo ang luha ko. " okey na ako Tristan,nasabi ko na lahat sayo kaya okey na ako, gusto ko sanang mapagisa muna " " i wish dumating yun araw na pwede ko nang suklian ang nararamdaman mo sakin,  pero sa ngayon... Hindi ako ang nararapat para sayo" matalinghagang sabi niya. " iwan mo na ako! " ayoko nang makinig sa sasabihin nya. Tama na ang sakit... "Bye Yuna! " malungkot na paalam nito bago ako iniwan. 'Cause I don't have the heart to hurt you It's the last thing I want to do But I don't have the heart to love you Not the way you want me too You're so trusting and open Hoping that love will start But I don't have the heart, oh, no I don't have the heart nang mapagisa ay muling bumalong ang luha ko .naupo ako sa buhangin habang tahimik na lumuluha.there he goes again.. Ang lalaking nagparamdam sakin ng pagpapahalaga ay sya rin palang wawasak sa puso ko. Maya maya ay may nag-abot sakin ng panyo. Si Paolo Villanueva.anong ginagawa nito dito. " anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na nakatingala sa kanya. " this is the last time na makikita kitang umiiyak dahil sa ibang lalaki, mula ngayon ako na lang ang magiging dahilan ng pagtawa at pagiyak mo maging ang paglalasing mo at lahat ng pwede mong gawin,dapat dahil sakin." ANO DAW? " The next time you cry... Its all because of happiness by loving me!.. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD