Sa paglabas ni Elton mula sa banyo ay mabilis 'tong nagbihis ng boxer lamang. Hanggang sa makarinig siya ng katok mula sa pintuan. Kung kaya agad niya 'yong pinuntahan at binuksan. Sa pagbukas nito ng pintuan ay hindi makatingin ang dalaga sa binata dahil sa itsura nito na naka boxer lamang. "Ito ng pagkain niyo senyorito," saad ni Sheryl sa binata at agad na inilipat ang kanyang tingin. "Oy! Talaga pa lang mabait ka at masunurin. Ang sweet naman ng asawa ko," wika pa ni Elton na napapangiti sa dalaga at inilapag ang dalang pagkain sa lamesa. "Kain na tayo," wika pa nito. Masarap na ang akin ng binata ng mapansin nito ang dalaga na hindi mapakali at hindi rin kumakain. "Hindi ka ba nagugutom? Saka bakit hindi ka makatingin sa akin ng diretso?" tanong pa ng binata. "Paano ako maka

