PILIT na inaabot ni Ava ang zipper sa likod ng suot na gown ng sandaling iyon pero nahihirapan siya dahil hindi niya iyon maabot. May pupuntahan sila ni Dimitri na party sandaling iyon. Kaninang umaga ay dumating ang gown na susuotin niya sa mansion. At kaninang umaga lang din niya nalaman ang tungkol sa party na pupuntahan nila ng tumawag ito sa kanya. Sinabi nitong isuot niya ang mga binili nito dahil may pupuntahan silang party mamayang alas sais ng gabi. Well, madalas na last hour siya ini-inform ni Dimitri sa mga lakad nila kaya medyo nasasanay na siya. Sinubukan ulit ni Ava na abutin ang zipper pero nang hindi pa din niya maabot iyon ay nagpasya na lang siyang humingi ng tulong kina Claire. Umalis siya sa harap ng vanity mirror. Pagkatapos ay humakbang siya palabas ng kwarto. P

