"SHE'S okay, Sir Dimitri." Naalimpungatan si Ava nang maulingan niya ang hindi pamilyar na boses na iyon ng nagsalita. Tuluyan naman siyang nagmulat ng mga mata at hinanap ang pinanggalingan ng boses. At agad na tumuon tingin niya dalawang lalaking nag-uusap sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Agad niyang nakilala ang isang lalaki, kahit kasi nakatalikod ito sa kanya ay kilalang-kilala niya. It was Dimitri. Napatingin siya sa lalaking kausap nito, hindi pamilyar sa kanya ang lalaki. Pero gaya ni Dimitri ay matangkad din ito at matitipuno ang katawan. "Why is the reason why she lost consciousness?" tanong ni Dimitri sa malamig na boses sa lalaking kausap nito, wala man lang siyang mabakasan na worry sa boses nito habang tinatanong nito ang lalaki. At bakit naman siya umaasa na ma

