HUMUGOT ng malalim na buntong-hininga si Ava nang maramdamang naka-lock pa ang pinto sa kwarto na tinutuluyan. Tatlong araw na yata siyang hindi nakakalabas ng kwarto niya. Tatlong araw na din siyang hindi nasisinagan ng araw dahil sa pagkakakulong ni Dimitri sa kanya sa loob ng kwarto. Umalis naman na siya sa harap ng pinto at bumalik sa kama. Umupo siya sa gilid niyon at hinintay na lang niya na pumunta doon si Claire para hatidan siya ng pagkain niya. At makalipas nga ng isang oras ay nakarinig siya ng mahinang pagkatok na nanggaling sa labas ng pinto. At mayamaya ay napansin niya ang paggalaw ng seradura hanggang sa bumukas ang pinto. At pumasok do'n si Claire habang bitbit nito ang tray na naglalaman ng dinner niya. "Miss Ava, ito na po ang dinner niyo," wika naman nito sa kan

