"Papa Seb-seb... do you still love my Mommy?" Napahinto ako sa tangkang pagpasok sa kusina nang marinig ko ang tanong ni Drake kay Sebastian. It's the first time I heard him ask this question to Seb. Nagkubli ako sa pinto dahil gusto kong pakinggan kung ano pa ang pag-uusapan nilang dalawa. Madalas pumupunta si Sebastian dito sa bahay tuwing Sabado para makipag-bonding sa anak ko. Siguro katatapos lang nang mga itong maglaro nang basketball sa gym malapit dito, kaya andito na ang mga ito ngayon sa kusina. "Why did you ask young man?" Rinig kong tanong ni Seb kay Drake. Bahagya akong sumilip para makita kung anong pinagkakaablahan nilang dalawa,as usual nagluluto naman ang dalawa nang pancakes at bacon and ham with sinangag na kanin para sa almusal namin. Nakatalikod si Sebastian at na

