HINDI alam ni Serena kung ano ang dapat niyang maramdaman sa pagdating ni North. Punung-puno rin ng mga katanungan ang utak niya, kung bakit ito nandito? Anong ginagawa nito rito? Paano nito nalaman na narito siya sa police station? O siya ba talaga ang pinuntahan nito rito? At tila magkakakilala ito at si Chad. Gusto niyang umasa na nandito ito para tulungan siya, pero galit ito sa kaniya. Kumurap-kurap siya at baka dinaya lang siya ng paningin niya. Pero kahit anong pagkurap pa ang ginawa niya ay si North talaga ang nakikita niya. Nakatayo ito malapit sa may front desk. Sa tabi nito ay si Chad na nakatingin din sa kaniya. Biglang dumilim ang mukha nito nang malipat ang tingin nito kay Denver. Tumalim din ang mga mata ng lalaki. Nang tingnan niya si Denver ay nakipagtitigan din ito

