HINDI na naabutan ni Serena si North kinabukasan pagkagising niya. Ang sabi ni Manang Norma, maaga raw itong umalis papunta sa Law Firm nito. Nagmamadali raw kaya hindi na siya hinintay na magising. But last night was the best night she had, mula nang nandito siya sa bahay ni North. Ewan, hindi rin niya alam. Pero siguro dahil nawala na iyong galit niya para sa lalaki at napalitan na iyon ng pagmamahal. Natigilan siya sa naisip. Pagmamahal? Mahal na ba talaga niya si North? Nanubig ang mga mata niyang sinapo ang dibdib. She sighed. Siguro nga mahal na niya ang lalaki. The first time she laid her eyes on him. She admitted it na crush niya ito. Pilit lang niyang kinalimutan nang malaman niyang asawa ito ni Selena at ang taong pumatay sa tatay nila. “Manang, aalis na po ako,” paalam niy

