WICKED ERIN

3019 Words
Nagkagulo sa buong opisina nang makita ng lahat ng mga tao si Erin na nagtatatakbo habang sapo ang buong mukha. Pati sina Leona at Logan ay nag-alala na rin sa dalaga kaya minabuti ng ginang na papasukin sa opisina nito si Erin para tanungin kung ano ang nangyari at bigla siyang nagkagano'n. "What happened, hija?" "I don't know tita, kausap ko lang si-" ani Erin sabay hagilap kay Riva na tahimik na nakaupo sa tabi ni Logan. "You! Ikaw ang may gawa nito sa'kin, I'm sure of that! Ikaw lang ang kausap ko before it happened!" malakas na sigaw ni Erin sabay turo sa kanya na bahagya niyang ikinagulat. "Bakit ako? Wala akong ginagawa sa'yo! Ni hindi nga kita nahawakan tapos pagbibintangan mo ako!" kaila niya. "You're a witch! Ikaw ang may gawa nito sa'kin, umamin ka na! Ibalik mo na sa'kin ang dati kong hitsura, Riva!" sigaw nito. Nagbabaga ang mga titig ni Erin na kulang na lang ay bubuga ito ng apoy. "As far as I'm concerned, I am not a witch, Miss Erin. I don't know what you're talking about. You are clearly blaming me for something I didn't do." Kalmado siyang sabi. "No! I'm sure with what I'm saying, you're a freaking witch!" giit nito. "Nagsalita ang mukhang bruha," mahinang bigkas ni Faith na sa hindi sinasadyang pangyayari ay narinig pala ni Erin. "Hoy, Faith! Ikaw ba ang may gawa nito sa'kin?! Ibalik mo na sa'kin ang dati kong hitsura dahil kung hindi idedemanda kita!" "Luh, bakit ako? Wala po akong alam diyan, Ma'am Leona..." tila nagpapasaklolong sabi ni Faith sa ginang. "Erin, huwag tayong magpadalos-dalos sa pambibintang. We don't have any proof na si Riva o si Faith nga ang may gawa nito sa'yo. Please calm down, there must be a reason behind this. Baka may allergic reaction ka sa mga damit or food." saad ni Leona. "Calm down, Tita? Is that all you can say?  Paano ako hihinahon kung ganito ang hitsura ko? My God, tita may fashion show tayo next weekend sa isang mall, paano ako rarampa na ganito hitsura ko?!" "Erin, please lower your voice. She's my Mom! Don't disrespect her in front of me!" saway ni Logan. Tila natauhan naman ito at nagbaba ng boses. "I'm sorry, tita... I just can't help it. I don't know what to do. This is the most embarrassing moment of my life. And I don't have any idea kung papaano ako babalik sa dati, this is unacceptable!" atungal nito. "Ssshhhh, tahan na hija. We'll find a way, everything will be alright." "Ikaw kasi eh, ang salbahe mo. Iyan tuloy napala mo, well-deserved!" mahinang bulong ni Faith na hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Riva. Dahil sa sitwasyon ni Erin ay pinayuhan ito ni Leona na umuwi na muna sa bahay nito para makapag pahinga. Inutusan rin ng ginang si Logan na ihatid ang dalaga kaya naman nawalan ng mangungulit kay Riva. **** Nang makaalis ang dalawa ay pasimpleng nilapitan ni Riva si Faith. "Galit ka ba kay Erin?" "Hindi naman galit. More on naiinis siguro." "Why?" "Masyado kasi siyang mayabang. Kung maka-asta akala niya siya ang may-ari ng kumpanya.. To think na hindi naman sila magdyowa ni Sir Logan..Kung sinuman ang may gawa no'n sa kanya ay magpapasalamat pa ako ng bongga." nakalabing sagot nito. "Ano ka ba, napagbintangan ka na nga eh," saway niya rito. "Alam naman nila Ma'am Leona na hindi ko kayang gawin ang bagay na 'yon. Kaya I know I am safe, karma na niya ang nangyari sa kanya para mabawasan naman ang yabang niya!" "Yaan mo babalik din naman siguro siya sa dati niyang hitsura." "Kahit huwag na para terno, bagay sa kanya 'yun!" anito sabay hagikhik. "Ikaw talaga hahaha, sige balik na ako sa loob." Aniya sa sekretarya na sa tingin niya ay makakasundo niya. Habang naglalakad ay bumulong siya ng mahiwagang spell na siyang magbabalik ng hitsura ni Erin. Wala naman siyang balak na papangitin ito habang buhay, nais niya lang itong parusahan kahit saglit lang dahil sa kagaspangan ng ugali nito. "Riva..." untag sa kanya ni Sinag habang naglalakad siya. "Ano 'yon?" tanong niya. "Pakawalan mo na kami ni Luna, parang awa mo na please..." "Di mo ako mauuto Sinag, nagtatampo pa rin ako sa inyo," "Patawarin mo na kami, hindi na mauulit, please..." sabad naman ni Luna sa kanya. "Gusto ni'yo ba pati boses ni'yo tanggalin ko?" aniya sa dalawa habang pinandidilatan ang mga ito. "Ayaw! Hindi na kami mangungulit. Masarap pala dito sa lalagyan namin!" ani Sinag nang nakangiti ng pilit sa kanya. "Very good, Sinag." Aniya bago pumasok sa loob ng kwarto kung saan madami dami silang nag eensayo. Naging abala na siya ulit dahil labis na pinapatutukan ni Leona ang pag eensayo ng mga bagong modelo dahil isasabak agad sila sa fashion show na gaganapin next week. Kaya naman pati si Riva ay kinakarer na rin ang pag eensayo upang hindi mapahiya sa butihing ginang na labis ang tiwala sa kanya. *** "Saan ba napulot ni Tita Leona yang si Riva?" biglang tanong ni Erin kay Logan ng maihatid siya nito sa kanyang bahay. "Tinulungan siya ni Riva one time nang mahilo siya isang araw, 'di ba na ikwento na ni Mommy 'yun?" "Yeah, I smell something about her. May nasi-sense akong bad vibes sa kanya. She's really mysterious. Malakas ang kutob ko na siya ang may gawa nito sa akin kaya nagkaganito ang hitsura ko!" ani ng dalaga sabay kapa sa mukha nito ng biglang magsisigaw. "Bakit ka ba nasigaw, Erin! Naaalog pati eardrum ko sa'y-" natigilan na rin ang binata nang matapunan ng tingin ang dalaga. "Oh my God! My beautiful face is back!" msayang wika ni Erin ng makita nitong bumalik na ang dati nitong anyo. Samantala nakatitig naman ng matiim si Logan sa dalaga na noon ay lihim na ring nagtataka sa mga nangyayari. Hindi bastang magkakaroon ng ganoon si Erin at pagkatapos ay bigla ring mawawala. Bigla niyang naalala 'yong nangyari sa kanya nang ihatid niya ang dalaga na para siyang napaglaruan ng hindi niya nakikita. Hindi nga kaya totoong kakaiba si Riva?? Ano nga kaya ang sikreto na nakapaloob sa katauhan nito? "Alis na ako, Erin. Kailangan ko ring bumalik sa opisina dahil may mga trabaho pa akong naiwan" paalam niya sa dalaga na noon ay nakatingin pa rin sa salamin. "Wait, Logan! Iiwan mo ba ako rito nang mag isa? Samahan mo na lang ako, please?" pang-aakit ng dalaga sa binata. "I'm sorry, Erin, but I have to go..." aniya. Kahit ano'ng pigil sa kanya ng dalaga ay hindi siya nagpatinag. Alam niya ang gusto nitong mangyari ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay ayaw niyang sumunod rito. Nagmamadaling bumalik si Logan sa opisina pra makita si Riva at tanungin ito ng ilang katanungan na biglang pumasok sa isipan niya. *** Kanina pa naiilang sa pagkilos at pagrampa si Riva dahil simula nang bumalik si Logan sa opisina ay hindi na ito tumigil sa pagsunod at pagtitig sa kanya. Maging sina Sinag at Luna ay pinoproblema na din ang inaasal ng binata kahit na hindi naman sila nakikita nito. "Tiradorin ko kaya 'yong mata niyan nang kumurap naman. Kanina pa naglalaway sa kakatitig kay Riva natin eh!" inis na wika ni Sinag habang nakatingin sa binata na noon ay titig na titig pa rin sa dalaga. "Tumahimik ka nga diyan Sinag, kaya tayo napaparusahan dahil sa kagagawan mo eh! Pano mo titiradurin 'yan, may tirador ka ba?!" pang-aalaska ni Luna sa kasama. "Eh, titig na titig kay Riva, baka mabawasan ang ganda ng dalaga natin kapag ganyan 'yan lagi," muling sagot ni Sinag na lumabas na naman ang pagiging over protective nito. "Ewan ko sa'yo bakit mo titiradurin e may magic ka naman, try mo kayang lagyan ng puwing 'yong mata" nakangising suhestiyon ni Luna. "Gusto mo ako na ang gumawa eh!" dagdag nito. "Tigil ni'yo 'yang kalokohan ninyong dalawa. Kung ayaw ni'yong pagbuhulin ko kayo d'yan." pabulong na babala ni Riva sa dalawa nang marinig nito na may kalokohan na namang pinaplano ang dalawa. "Titigil na po..." magkapanabay na wika ng dalawa sa dalaga habang magkahawak-kamay. Samantala pilit na binalewala ng dalaga ang presensiya ng binata kahit pa labis ang pagkailang niya rito. Kailangan niya kasing mag focus sa pagpapraktis ng tamang pagrampa dahil isasabak na siya agad sa fashion show. Ayaw niyang may mapuna sa kanya si Erin at lalong ayaw niyang ma-disappoint si Leona na malaki ang tiwala sa kakayahan niya. "Hey, Riva!" tawag ni Logan sa dalaga habang papalapit sa kanya. "Huh?!" "I just want to invite you out for dinner, if it's okay?"  "Bakit? Para saan?" "Wala naman, gusto ko lang sigurong makasama at mas makilala ka pa. Sana pumayag ka." Nakangiting sagot ni Logan habang nakasalikop ang mga palad at nagpapacute ng mga mata. "Nagmukha siyang baliw sa ginagawa niya. Hindi ba siya nahihiya?" hindi makatiis na puna ni Luna na parang matatawa habang si Sinag ay nananatiling nakasimangot. "Hindi ko alam, baka kasi may magselos tapos mapagbintangan ako na may ginagawang masama" sagot niya habang naglalakad papalayo dito. Naalala na naman niya ang banta sa kanya ni Erin. "Riva, Wait!" habol ni Logan sa dalaga at nang malapitan ito ay agad na hinawakan ang mga kamay ng dalaga at muling nagsalita. "Please, pumayag ka na, we're friends naman 'di ba?" "Oo, pero-" "Just a simple dinner! Minsan kasi gusto ko ring mag unwind. Baka pwede kang makasama. Promise, goodboy 'to!" Itinaas pa ang kanang kamay nito na waring nanunumpa. Ilang minutong tinitigan ng dalaga ang mga mata ng binata na tila inaarok nito ang kaloob looban niyon bago ito pumayag. "Yes! Sabay na tayong umalis mamaya okay? Thank you, Riva" anang binata bago ito nagtatatalon palayo sa dalaga na tila batang nabigyan ng paborito nitong tsokolate. "Date ba 'yun?" tanong ni Luna sa dalaga nang makalayo ang binata. "Hindi!" "Ano tawag dun?" "Wala, simpleng hapunan lang, walang ibang kahulugan," sagot ng dalaga bago iniwanan ang mga lambana na nag iisip pa rin ng kung anu-ano. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito lalo na nang sunduin na siya ni Logan at dalhin sa isang restaurant na anito'y paborito nitong kainan. Kapwa sila tahimik habang kumakain at lalong naaasiwa si Riva sa pagsulyap-sulyap sa kanya ni Logan na wari'y may nais ipahiwatig. Hindi niya tuloy malasahan ang pagkain na sa tingin niya ay masarap naman sana. "Kanina ka pa nakatingin, ano'ng meron?" hindi makatiis na tanong ng dalaga. "Wala naman, I'm just wondering how you've become this beautiful." pasimpleng puri nito ngunit hindi naniwala ang dalaga. His eyes tells her something different from what he said. "Nararamdaman ko na may gusto kong sabihin o itanong. Sabihin mo na para masagot ko." "Malakas din pala ang pakiramdam mo." "Yes. Kaya sabihin mo na," "Riva..." "Yes?" "Totoo ba 'yung sinabi ni Erin kanina? Are you a witch, enchantress or what?". nosenteng tanong ng binata. Napabunghalit ng tawa ang dalaga. "Seriously Logan?" "Just want to know. I saw her na nagbagong-anyo noong inihatid ko siya. I know may kakaiba, hindi 'yun gawa ng ordinaryong tao..." "Then? Naisip mo na ako ang may gawa?" tanong niya muli. She manage to stay calm para hindi siya nito paghinalaan pa. "Ngayon lang kasi nangyari 'yun..." "So, ako nga ang pinagbibintangan mo?" "Hindi kita pinagbihintangan. I just want to know..." "No, hindi ako ang may gawa noon kay Erin..." "Okay, pasensya ka na kung matanong ako." "Okay lang, pwede na ba tayong umuwi? medyo pagod kasi ako sa maghapon." Aniya. Pinunasan niya bibig ng tissue at tumayo. "Yeah, let's go..." anang binata bago siya nito alalayan at ihatid pauwi sa kanyang bahay. Habang nasa biyahe ay kapwa sila tahimik at walang may balak magsalita, pagkarating nila sa bahay ng dalaga ay agad ding nagpaalam ang binata sa dalaga pra makapahinga na ito. "Anong meron ka Riva? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa'yo..." ani Logan sa sarili habang nakatanaw sa bahay ng dalaga bago nito pinaharurot ang sasakyan papalayo sa lugar na iyon. **** Nakatunghay sa kanya ang dalawang lambana habang inaayusan siya ng make-up artist sa dressing room. Nang araw na iyon kasi ang fashion show nila at ang lakas ng kabog ng dibdib ng dalaga dahil ngayon lang niya mararanasan ang rumampa. Marami silang irarampa na kasuotan at isa na roon ang mga swimwear kaya naman lalong kabado ang dalawa. Hindi siya sanay magsuot ng sexy pero hindi siya umayaw dahil isang challenge iyon para sa kanya. "Parang kailan lang,  ngayon model ka na Riva..." ani Luna habang naluluha ang mga mata dahil sa paghanga sa kaibigan. "Oo nga, Riva. Ang ganda-ganda mo ngayon. Hindi namin akalain na magiging modelo ka. Sobrang proud kami ni Luna sa'yo!" ani Sinag na may pasinghut-singhot pa. Kinindatan niya lang ang mga ito dahil hindi siya makapagsalita dahil inaayusan siya ng make-up artist. "Hi, Riva! Are you ready, hija?" nakangiting bungad ni Leona sa dalaga ng puntahan ito sa dressing room kasama ang anak. "Opo, Tita Leona...kabado pero kaya naman..." anang dalaga sabay sulyap kay Logan na tahimik lang na nakatingin sa kanya at parang labis ang paghanga sa kanyang ganda. "That's good to hear hija, Logan and I are so proud of you. Asahan mong galing sa amin ang pinakamalakas na palakpak mula sa audience." "Naku, salamat po, Tita Leona at Logan..." nakangiting sabi niya sa mga ito. Isang ngiti ng buong paghanga at pagpapalakas ng loob ang iginawad ni Logan sa kanya kasabay ng mahigpit na paghawak nito sa palad niya. "May nananatsing na naman oh!" puna ni Sinag ng makita ang ginawa ng binata ngunit wala itong magawa dahil nakakulong pa rin sila sa mahiwagang bula. **** Samantala, lihim naman na sumisilip si Erin sa dalaga habang puno ng inggit ang mga mata. Hindi siya makapaniwala na ganoon na lang ang suporta nina Leona at Logan kay Riva samantalang baguhan pa lamang ito, hindi gaya niya na naging modelo na ng VFI sa napakahabang panahon. "Magsisisi ka Riva! Sabi ko naman sa'yo, kung ayaw mong maging impyerno ang buhay mo, layuan mo sina Tita Leona at Logan!" inis na wika ni Erin bago ito umalis papalayo doon at nagtungo sa lugar kung saan nakalagay ang lahat ng damit na isusuot ng mga modelo. Mayroon siyang gagawin na tiyak niyang ikakasira ni Riva. Nakahanda na ang lahat at nagsimula na ang fashion show. Halos magkasunod lang sila ni Erin sa pagrampa dahil nauna lang ito sa kanya ng kaunti. At gaya ng inaasahan hindi nagpatalbog si Erin sa pagrampa lalo na sa baguhan na gaya ni Riva. First time man at kabado ngunit ibinigay pa rin niya ang best niya lalo na pag napapasulyap siya sa mag ina na talaga namang todo suporta sa kanya. Kitang-kita niya pa kung papaano siya titigan ni Logan ng buong paghanga na para bang siya na ang pinakamagandang babae na nakita nito sa buong buhay niya. Sina Luna at Sinag naman ay pumuwesto na sa harapan para i-cheer siya habang naglalakad kaya naman lalong lumakas ang loob ng dalaga at tanggalin ang munting hiya na nararamdaman niya. "Okay ladies, swimwear na tayo ha, nakahanda na ang lahat ng isusuot ni'yo." anang baklang nag aasikaso sa kanila sa backstage. Lahat ng modelo ay nagsipasok na sa dressing room at nagsipagpalit na ng damit kaya naman agad ding nagpalit ang dalaga at sa kakamadali niya ay hindi niya napansin na may mali sa pagkakabuhol ng swimsuit na napapatungan lang ng manipis na tela. "Handa na ba kayo? Halina kayo daliiiii!!" tili ng bakla na parang tarantang-taranta kaya naman agad din silang nagsilabasan at pumila. Kita ng dalaga ang pagsulyap sa kanya ni Erin at ang tusong ngisi nito bago ito naglakad papalabas ng stage ng magsimula na ang pagrampa ng mga naunang modelo. Nakailang lunok ng laway at buntong hininga ang dalaga bago siya lumabas dahil noon lang siya maglalantad ng katawan at sa harapan pa ng maraming tao. Kabado siya lalo na ng masilip si Erin kung pano nito tanggalin ang manipis na tela na tumatabing sa katawan nito kaya naman naghiyawan na ang mga manonood. "Riva, ikaw na ang sunod kay Erin, labas na dali!" untag sa kanya ng baklang nag aassist sa kanila. Marahan siyang lumabas at tila bumagal ang ikot ng mundo niya habang maraming matang nakatingin sa kanya. Pagsulyap niya kay Leona ay ginawaran siya nito ng ngiti na waring nagpapahiwatig ng pagsuporta at pagpapalakas ng loob kaya naman isang buntong hininga pa ng dalaga ay nakangiti na siyang naglakad sa entablado. Tinitigan pa siya ni Erin at nginisihan ng magkasalubong sila nito bagay na ipinagwalang bahala na lamang ng dalaga. Samantala mataman namang pinagmamasdan ni Logan ang dalaga at talaga namang napanganga siya sa hubog ng katawan nito na halos kagaya ng hubog ng katawan ng artistang si Maxene Magalona. Perfect. An hour glass shape. Napakaganda at napakasexy ni Riva ng gabing iyon kaya naman hindi maitatanggi ang labis na paghanga ng binata at halos hindi na ito kumurap sa kakatitig sa dalaga. Nang matapat ito sa kanila ay agad na hiniklas ni Riva ang manipis na tela ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay sumama ang panloob niya at huli na ng mapansin ito ng dalaga. Bagay na napansin agad ni Logan kaya bago pa man tuluyang mabuyangyang ang katawan ng dalaga ay agad itong nakatakbo papalapit sa dalaga at agad itong binalot ng suot nitong leather jacket at agad na kinarga. "Logan..." mangiyak-ngiyak na wika ng dalaga habang nakahawak sa batok ng binata. She close her eyes. "Don't worry sweetheart, I got you..." anang binata bago ito naglakad pabalik sa backstage kasunod ang dalawang lambana na labis ang pag aalala sa dalagang alaga. Napansin pa nina Sinag at Luna ang pagkainis at pagseselos na nakabalandra sa pagmumukha ni Erin ng madaanan nila ito. "Mukhang itong bruha na ito ang may gawa!" gigil na sabi ni Sinag habang masama ang tingin sa dalaga. "Mamaya na 'yan Sinag, si Riva muna ang unahin natin" ani Luna sa kasama. "Humanda ka sa amin mamaya impakta ka!" gigil na sabi ni Sinag kay Erin bago nito sinundan si Riva na pangko pangko pa rin ni Logan papasok sa dressing room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD