JENNIE'S POV.
BUONG magdamag akong gising dahil binantayan ko si Daddy Ninong. Nag-aalala talaga ako sa kanya, ganito rin naman siya sa akin o baka nga mas higit pa kung siya’y mag-alala.
Buong magdamag na nag-chills ni Daddy Ninong kaya kanina ay niyakap ko siya hanggang makatulog ng mahimbing.
Kagabi nakailang chat si Daddy James sa akin for reminding about the family bonding in Tagaytay. Wala akong maibigay na sagot sa kanya dahil sa kalagayan ni Daddy Ninong. Gusto ko naman silang makasama pero paano naman ang Daddy Ninong ko.
Ang Daddy Ninong na never akong pinagpalit kahit minsan, kahit na nga ang nakasalalay ay isang multi-million deals ay bibitawan n’ya basta ako ang nakalagay sa kompromiso.
Ang iwan siya ngayon ay hindi kakayanin ng puso ko. Baka habang kasama ko si Daddy James ay siya ang laman ng isip ko. Napatingin ako sa digital clock.
Pass 5am na at ngayon palang ako kukuha ng tulog sa tabi ni Daddy Ninong. Sa huling chat ni Daddy James before lunch ay nasa Tagaytay na sila, at hiling niya na kung pwede raw ay mauna na ako sa kanila doon.
Lagi naman siyang gano'n, ako dapat ang mag-adjust lagi sa kanila. Tiyak na uusok na naman ang ilong ng half-sister ko na Jaicoh kapag nakita niya ako. Ilang buwan lang ang tanda ko sa kanya.
Meaning to saya halos pinagsabay ni Daddy James si Mama K at asawa niya ngayon. Pero kahit gano'n sila ‘yung matapang lagi ako naman ay ang tahimik at tatanggap lang ng mga salita, bagay na ikinagagalit ng lubos ng lalaking na sa aking tabi.
“Remember baby ko, never ever vow your heads to anyone especially to your biological father's family. Hindi ka dapat mahiya o matakot kanila. Instead, sila dapat ang kabahan, mahiya at matakot sa’yo. Co’z I'm always here for you baby Jennie. Gagawin ni Daddy Ninong lahat para sa’yo.”
Paulit-ulit na sinasabi ni Daddy Ninong ito sa akin, everytime na magaganap na pagkikita sa pagitan ko at family ni Dad. I know he's telling the truth. Wala pa namang sinabi si Daddy Ninong sa akin na hindi totoo.
“Thank you din po Daddy Ninong. Because of you I have a family na tanggap at mahal na mahal ako. Hindi ko kailangan na manlimos mula sa inyo, unlike sa father at mother ko. Thank you Hammer!” mahinang sabi ko bago humalik sa pisngi ng lalaki at kumiling patagilid para yumakap katawan nito. Hindi naman nagtagal ay napaidlip na ako dala na rin ng puyat sa pagbabantay sa aking Daddy Ninong.
“Baby…Baby, late ka na! Gising na.” naalimpungatan ako ng marinig ang boses ni Daddy Ninong na paos na paos pa.
“Baby, wake up. Ipapahatid na lang kita, 10 am na kasi.” Muling ani ng lalaki dahilan para dumilat na ako.
Mukha ni Daddy Ninong ang bumungad sa akin. Magulo ang buhok niya na tingin ko ay bagay na bagay naman sa kanya. Lahat na lang yata bagay sa lalaking ito.
“D-daddy Ninong kumusta na po ang pakiramdam mo?” tanong ko sa lalaki na ngumiti sa akin sabay hawi ng buhok ko na tumabon sa aking mukha bago ako hinalikan sa aking noo.
“I feel better now. Dahil sa mahusay ko na nurse na tingin ko ay napuyat ng husto sa pag-aalaga sa akin. Thank you baby ko.” mahina, malalim at mainit ang dating ng hagod ng boses ni Daddy Ninong ng sabihin iyon sa akin. Umiling naman ako sa lalaki na parang naguluhan pa ng saglit.
“Ano man po ang ginawa ko ay kulang pa sa mga ginawa mo for me. But think na ginagawa ko ito to repay you. Walang katumbas ang mga ginawa mo para sa akin Daddy Ninong. Gusto ko lang talaga na alagaan ka.” Paglilinaw na paliwanag ko sa lalaki.
“You don't need to think, na kailangan may gawin ka rin for me. Ang mga ginawa at gagawin ko pa for you ay talagang gusto ko, dahil mahal kita Jennie.”
Napamulagat ako dahil sa sinabi ni Daddy Ninong. Ibang klase ng pagmamahal kasi ang laman ng utak ko na ikinasasaya ng lubos ng puso ko.
“Mahal na mahal kita kasi ikaw at si Nanay Conching na lang ang pamilya ko.” Dugtong ng lalaki na biglang pumawi ng aking kahibangan. Malala na yata ako dahil kung anu-ano na lang ang pumapasok sa utak ko.
Sandaling nag-usap pa kaming dalawa ni Daddy Ninong bago sabay na bumangon sa kama. Nang igarantya ni Daddy Ninong sa akin na kaya niya na ang kanyang sarili ay lumabas na ako ng kanyang silid para gawin ang morning routine ko. Pagdating sa aking silid imbis na maghilamos lang at magsipilyo ay na ligo na rin ako.
Sabi kasi ng lalaki ay tumuloy ako sa Tagaytay at siya naman daw ay magpapahinga lang dito sa mansyon. Sobrang maunawain si Daddy Ninong when it comes to me, also sa relasyon ko sa tunay ko na Ama’t Ina.
But most of the time naman si Daddy James lang ang gusto akong kasama o makasama ng kanyang pamilya while my mother naman ay parang allergy sa akin. Mabuti pa nga ang husband niya mabait sa akin at feeling ko dahil doon kaya maa ayaw ni Mama na pupunta ako sa kanila. Pinagseselosan pa ako ng sarili kong Ina.
Mabilis lang akong nakaligo at nag-ayos ng aking sarili. Simple lang naman akong mag-ayos, hindi tulad ng iba na bongga. Sapat na sa akin ang pants at blouse na hakab sa aking katawan.
Inihanda ko rin ang bag na aking dadalhin. Hindi mawawala sa dala ko ang mga extra na damit at underwear, incase na mag maldita si Jaicoh sa akin.
Matapos na makagayak ay bumaba na ako, nadatnan ko sa baba si Daddy Ninong na may kausap sa phone. Mukhang nagbibilin na kay Ramir, sana lang hindi talaga siya bulabugin ng mga tao sa opisina.
“Okay Ramir, I need to hang up.” pagpapaalam ni Daddy Ninong sa kanyang kausap habang na sa akin ang tingin at may pakiusap na hintayin ko siya.
Lumapit ito sa akin at inakay na ako papunta sa Dining area. Handa na doon ang aming almusal na super late na. May nakita akong mga tupperware doon na tiyak pinahanda ng aking Superman.
Naging tahimik ang aming pagkain ngunit ng matapos ay maraming naging habilin si Daddy Ninong. Nang matapos na siya ay ako naman ang sabi ng aking mga habilin sa kanya. Gulat na gulat ito pero kalaunan ay bumunghalit na ng tawa.
Pinasakay niya ako sa kotse tsaka kinausap ang driver na siyang magiging kasama ko rin bilang bantay.
Hindi nagtagal ay umalis na rin kami, maraming flying kiss ang binigay ko sa lalaki dahilan lalo itong tumawa sa akin.
Nang makalayo na kami ay sinipat ko ang aking cellphone. Maraming chat si Daddy James na may halong tampo at pangugunsensya na never kong narinig kay Daddy Ninong. Baka sabihin ng iba puro ako Daddy Ninong e, syempre siya naman ang naging lahat sa akin mula pa noon. Napanguso ako ng maka-receive ng chat from the man na always bukang bibig ko.
My DN Hammer : Ingat baby ko, if something happens let me know, susunduin kita.
This is the reason why I called him Superman. Kahit nasaan ako pupunta siya basta kailangan ko ng tulong at kakampi.
Me : Pahinga ka na po, I will take good care of myself. And don't worry if kailangan ko ng help or resback; tatawag ako agad.
My DN Hammer : Good! Keep safe baby ko.
Me : Opo!
Matapos mag reply ay itinago ko na ang phone ko sa aking bag. Delikado kasing maagaw ito sa akin ni Jaicoh. Atribida pa naman ang hilaw kong sister, pero kahit gano'n gusto ko rin na maging okay kami.
“Miss Jennie in 5 minutes darating na po tayo sa location.” pagbibigay impormasyon ni Julius.
“Okay po, salamat Kuya Julius.” tugon ko naman.
Pagdating namin sa place ay wala pa ang mga taong kikitain ko. Naupo muna ako sa isang pwesto kung saan makikita ko ang parating na mga tao sa lugar. Inabot ng isang oras ang panghihintay ko ng dumating si Daddy James na kasama ang kanyang pamilya. Gaya ng dati umasim agad ang mukha ni Jaicoh at asawa ni Dad.
Lumapit si Dad at bumeso sa akin. Sa harap ng aking tunay na ama mabait ang pakitungo nila sa akin pero kapag nakalingat si Dad lumalabas ang mga sungay nilang hirap na hirap itago. Lumakad kami papunta sa restaurant at agad na may sumalubong sa amin na staff.
“Hi good afternoon po. I’d like to ask lang po kung may reservation po kayo at table for ano po ba ang kailangan n’yo?” Magalang na bati at tanong ng babae sa amin.
“Good afternoon po, wala po kaming reservation at table for 6 po ang kailangan namin FOR OUR FAMILY.” Bibong sagot ni Jaicoh.
Naramdaman ko naman ang pait sa aking bibig. Lantaran talaga kung ipamukha niya sa akin na I'm not belong.
“JAICOH!” may diin na tawag ni Dad sa pangalan ng aking half sister.
“Why?—Oh my God! I'm sorry Ate Jennie, I didn't mean to offend you. Sadyang sanay lang ako na lima kami sa pamilya. Pamilya na legal.”
“JAICOH, I'M WARNING YOU!” muling sambit ni Dad na halatang nagtitimpi ng galit.
“James, you know Jaicoh as a playful girl. Jennie I hope you didn't get offended. Totoo naman kasi na sanay kami na wala ka. So why are you here nga pala?” Ani naman ng asawa ni Dad na halatang gigil na agad sa akin dahil napagalitan ni Dad ang kanyang anak.
“f**k! One more words from you two—titiyakin ko na hindi kayo makapag-shopping for the whole year. Miss table for 7, and please mind your job not our FAMILY CONVERSATION.”
Tuluyan ng nagalit si Dad, nagdadabog na lumakad ang mag Ina papunta sa direksyon na tinahak ng staff na babae. Si Dad naman ay tinapik ang aking likod, tumawa lang naman ako. Sumunod na si Dad sa dalawa kasama ang iba ko pang kapatid sa kanya, pero ako na iwan pa rin sa aking kinatatayuan.
“Ate tara na, hayaan mo lang si Mommy at Ate Jaicoh, lunod na kasi ang isip sila sa kakabili ng luxurious bag, dress and perfume. Basta ako happy always kapag kasama ka. Let's go, Ate Jennie ko.”
Napatitig ako sa mukha ni Jannessa na 7 years old palang. Sa lahat sa kanya lang ako nakaramdam ng totoong pagtanggap sa akin. Hawak kamay kaming nagtungo sa table kung nasaan ang iba naming kasama. Kitang kita ko na sinenyasan si Jaicoh si Jannessa na bumitaw sa akin pero dinilaan lang ito ng bata kaya lihim akong na tawa. Buti nga sa kanya nakahanap siya ng katapat.