NANATILI kami ni Daddy Ninong sa aming lambingan favorite position. Ganito kami at wala akong nakikitang mali dito. Lagi naming ginagawa ito.Pero aminado ako na medyo may nag-iba na sa akin.
Gano'n pa man ang mahalaga naman ay nasa loob naman kami ng mansyon ng mga Escalado kaya protektado kami sa mga mapanghusga na mga tao.
Yes! I'm aware of those criticism of a lot of people, na alam kong kinakain lang ng inggit.
Inggit sa buhay na meron si Daddy Ninong. Ang iba naman ay inggit dahil sa ako ang baby niya at isa sa pinakamahalagang bahagi ng kanyang buhay.
Maaga mang naulila ang lalaking tumayo kong ama, at hindi kailanman ‘yon naging sagabal sa kanya. Natural na matalino, madiskarte at dugong businessman si Daddy Ninong kaya sa murang edad ay namamayagpag na ito sa buong Asia.
Dumating man ako sa buhay na nakuha na lahat ng iyon, palagi namang sinasabi ni Daddy Ninong na ako ang kanyang lucky charm. Ako ang swerte niya at mananatili lucky charm.
“How's your school? Baka naman may umaaligid na sa baby ko?” tanong ni Daddy Ninong sa akin, kaya mas yumakap ako sa kanya.
Ngumuso pa nga ako kasi araw-araw ito ang tanong niya sa akin. Pero kahit gano'n ay araw-araw ko ring sasabihin sa kanya na wala, kasi para sa akin ang katulad lang ni Daddy Ninong ang papasa sa akin para maging boyfriend ko.
“Ang tagal yata sumagot ng baby ko ngayon. Don't tell me, meron na nga?” tila nagtatampo na tanong muli ni Daddy Ninong ng matagalan akong sumagot.
“Syempre wala! Wala pa kasi akong nakikita na katulad mo Daddy Ninong.” May arte na sagot ko sa lalaki na agad ngumiti ng malapad sa akin sabay halik sa aking noo.
“Paano ba ‘yan nag-iisa lang ako?” Tatawa tawang sabi niya sa akin.
“Gano'n po? E’di reserve nakita for myself!” Seryosong sagot ko lalaki na lalo lang tumawa ng malakas. Tawang nakakasabik na marinig.
Tumawa lang ng tumawa si Daddy Ninong without saying anything para kontrahin ang aking sinabi. Isa ito sa mga rason kung bakit lalong nag-iiba ang tingin ko sa kanya. Nanood lang ako sa kanya ng biglang maalala ko na tumawag pala si Papa James sa akin.
“Daddy Ninong okay lang ba sa sunday pupunta ako ng tagaytay?” Untag ko tanong sa lalaki na agad na nawala ang masayang mukha.
“Tagaytay? With whom?” Istrikto na tanong niya sa akin. Ganito siya sa tuwing aalis ako lalo na’t malayo.
“Yes tagaytay nga po. And si Papa James po kasama ko. Lalabas sila ng family niya and he wants me to join them. Pero okay lang kung ayaw mo.” Malinaw na paliwanag ko sa lalaki na lalong umiba ang timpla ng mukha. Pero ubod pa rin ng gwapo.
“Are you sure, na kasama ang pamilya niya? Kaya ka ba excited kasi you want to be with them? I know gusto mong kilalanin kanila bilang Ate nila. Pero ang daming beses na sumama ka sa kanila and then uuwi kang malungkot and worst umiiyak. And I fúcking hate seeing you cry. Hindi kita inalagaan, prinotektahan at minahal para lang saktan nila. Your my baby, kaya kapag nasasaktan ka nasasaktan din ako. Ngunit kung gusto mong sumama, wala akong magagawa. But please, call me the moment you feel na ginagawa na naman nila ang intesyonal na panghihiya sa’yo. I won't tolerate any person who wants to hurt and bully you. Ngayon palang nag-iinit na ang ulo ko.” mahabang sabi ni Daddy Ninong Hammer sa akin habang ang kanyang mga titig ay tila tumatagos na sa aking kaluluwa.
Ganito niya ako alagaan at protektahan. Masyadong advance ang isip niya. Tiyak din ako na may susunod na tauhan niya sa akin sa tagaytay.
“Daddy Ninong noon lang naman ako nasasaktan, pero ngayon hindi na. Bakit kamo? Kasi ikaw palang sobra sobrang na. Sobrang alaga, proteksyon at pagmamahal ang nakukuha from you. Lunod na lunod na nga ako e, but I loved the feeling being drowning of your love, care and affection.” May lambing na sabi ko sa lalaki habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Ang huling mga salitang sinabi ko kahit ako hindi makapaniwala na kaya ko palang sabihin iyon sa lalaki.
“f**k! You're not a baby anymore.” mahina ngunit parang gigil na mura at sabi ni Daddy Ninong. Lihim akong napangiti pero nagpanggap na lang ako na walang narinig. Yumakap ako sa lalaki at sumubsob sa kanyang leeg.
“Sige na! Payag ka na. Tatawag ako agad kapag sinungitan agad ako ng asawa ni Papa. Tapos kapag tinawag akong anak sa labas ni Dad ng mga kapatid ko. Payag ka na pleaseeeee…. I love you forever Daddy Ninong.” Pilyang sabi ko sa kanya sa pabulong na paraan.
Hindi naman gumagalaw si Daddy Ninong na waring tumigas na ang buong katawan.
“Daddy…Daddy Ninong—Hammer!” Pangungulit ko pa na talagang binitin ang kanyang pangalan.
“Damn it!” Mura ng lalaki sa mahina muling tinig. Mas lalong nagdiwang ang kalooban ko.
“O-okay, if that's my baby wants, payag na ako. Basta no. 1 rule.” Utal sa una na sabi ni Daddy Ninong.
“Yes I know! Don't let other people hurt me, physically, emotional and mentally. Memorize ko na.” Bibong tugon ko sa lalaki muli na ring ngumiti.
Nagsimula akong magkwento ng mga naging ganap sa akin sa buong araw at masayang nakinig si Daddy Ninong habang panay ang kalikot niya sa kanyang cellphone.
If I know, nagbibigay na ito ng task sa taong bubuntot sa akin. Dahil sa hindi pa nakakabihis ang lalaki ay nagpaalam mina siya na magpapalit muna. Nanatili ako sa sala ng bahay. At nagbalik tanaw sa aking nakaraan.
Nauunawaan ko si Daddy Ninong kung bakit overprotective siya sa akin kahit na mga biological parents ko naman ang aking pupuntahan.
For the past years of my life, hindi lang si Papa at pamilya niya ang nakakasakit sa damdamin ko. Mas malala si Mommy dahil pati asawa niya nandidiri sa akin.
Nakakadiri ba na maging anak ng dalawang taong hindi kayang maging Ama’t Ina sa kanilang anak?
Nakakadiri ba na mistulang nanlilimos ako sa kanila? Kung tutuusin ay responsibilidad nila iyon.
Ang huli. Nakakadiri ba na nakatira ako sa isang mansyon na puno ng pag-aalaga, pag-iingat at pagmamahal?
Mansyon na lahat na halos ng kailangan ko naroon na, higit sa lahat ay ang mga taong tingin sa akin ay biyaya at hindi salot katulad ng trato at pagtingin ng aking mga sariling magulang.
Mula sa pagmumuni-muni ay naramdaman ko ang pag-tabi ng upo sa akin ni Daddy Ninong.
“I will always take care of you and protect you. ‘Walang kulang sa'yo baby ko, sila ang nawalan ng hindi nila ginampanan ang pagiging Ama’t Ina nila sa'yo.” Bulong ni Daddy Ninong ng puno ng diin. Wala nga kayang mali sa akin?
Kilalang kilala niya talaga ako. Alam niya kung anu-ano ang mga naglalaro sa utak ko, once na manahimik ako.
I smiled at him. “Wala na sila sa akin, dahil silang lahat hindi pa rin sapat kung itatapat sa’yo Mr. Hammer Eros Escalado. Ikaw lang po sa buhay ko higit pa sa sapat. Thank you for saving me that day Daddy Ninong.” Full of sincerity, na sabi ko sa lalaki na halik sa noo ang naging tugon sa akin. Noon pa man lagi niya akong hinahalikan sa noo, na tingin ko ikalulungkot ko ng husto kung hindi na niya gagawin.
Pagkatapos ng halik ay inakay niya na ako papunta sa kusina. Mukhang may mga kasambahay na naman na magiging hayahay sa pagluluto. ‘Yun nga lang sa ligpitan ng mga plato at mga ginamit na pang luto sila mapapalaban.