CHAPTER 22 PJ'S POV Palakad-lakad ako. Napapatingin sa akin ang mga agents na kaniya-kaniya parin ng ginagawa para sa mission namin. Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin dahil nag-aalala ako para kay Kat. Ang sabi niya kasi ay uuwi siya agad ngunit gabi na ay hindi parin siya nakakabalik. "Kumalma ka nga, PJ. Kasama ni Kat ang manager niya. She'll be fine." saway sa akin ni Mishy na malamang ay nahihilo na sa ginagawa ko. Nahahapong umupo ako sa harapan ng monitor. "Naka enter na ako sa system nila poseidon but this wont work. Wala namang cameras sa lugar kung saan natagpuan ang kotse ni sandra." sabi ko kay Poseidon. "Baka naman mali ang tinitignan niyo." singit ni doctora na kasalukuyang may hinahanap na files sa isang kabinet dito sa laboratory. "That's impossible. Dito talag

