“W-What?” Nakita ko ang panglalaki ng mga mata ni Anasha nang marinig niya ang sinabi ko. Kaya naman ay nginisian ko siya muli. “What do you think? Did you like my offer?” “What the hell are you talking about?” Inilabas ko naman ang business card ko at iniabot sa kanilang dalawa. Ang matanda lang ang kumuha no’n dahil si Anasha ay ‘di tinanggap ang ibinibigay ko. Nanatili siya na masama ang tingin sa akin at nakakunot pa rin ang noo. Hindi rin naman masiyadong matanda ang kasama niya. Siguro ay mga nasa 40s pa lang ang edad niya. Tinaasan ko ng isang kilay si Anasha. “Narinig ko ang usapan ninyong dalawa. Kaya ako na ang nagpapakabuti na tulungan ka. ‘Di ba ayaw mo nang magtrabaho sa ganitong klaseng lugar? E ‘di sa hotel ko na lang. Doon ka na magtrabaho. You’re already promoted as

