“Oh? Akala ko ba ay aakyat ka na sa kwarto mo? Hey!”
Hindi ko na pinansin pa ang mga kapatid ko nang tanungin pa nila ako. Dahil nagulat na lang sila na bigla akong nananakbo pababa sa hagdan at palabas ng bahay. Dala ko na ngayon ang susi ng sasakyan ko. Nagmamadali ako dahil sa boses ni Dad sa tawag kanina nang kinausap niya ako. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang problema ngayon sa Equinox Hotel.
Nang mapaharurot ko na paalis ang sasakyan ko ay agad kong tinawagan si Mika, ang sekretarya ko. Sinagot naman niya ‘yon.
“Boss! My God! Where are you now?” tanong niya agad sa akin.
“Nagmamadali na ako papunta sa Equinox Hotel ngayon. Report to me now. Anong mayroon? May problema ba?” sunod-sunod na tanong ko agad sa kaniya.
“There’s a big problem, boss. Kaya kailangan mo na agad na makapunta rito. Bilisan mo.”
“Ano ngang problema?! I-report mo na agad sa akin ngayon para may ideya na ako at para alam ko kung ano ang isasagot ko sa ama ko! I’m sure na nariyan siya ngayon. Kaya ‘wag mong ipahalata na kausap mo ako ngayon.”
“Is that Raiden you’re talking to right now?”
Narinig ko ang boses ni Dad sa kabilang linya. Uh-oh. Bago pa sumagot sa akin si Mika ay agad na muli akong nagsalita. “Magdahilan ka na hindi ako ang kausap mo. Bye.”
Pinatay ko na agad ang tawag. Sinabihan ko naman si Mika noon pa na ang ipangalan niya sa numero ko sa kaniyang phone ay ibang pangalan. Nang sa gano’n ay walang makakaalam na ako ang kausap niya in case of emergencies like this. Malulusutan naman na niya ‘yon.
Narinig ko pa lang ulit ang boses ni Dad ay sobra na ang kaba na nararamdaman ko. Tang ina talaga. Mas gusto ko na lang na wala siyang pakialam sa akin kaysa ganito pala ang pakiramdam na pinapansin niya ako ang mga ginagawa ko. Ano kaya ang problema sa Equinox Hotel ngayon? As far as I remember ay wala namang naire-report na kahit na ano si Mika sa akin!
Nang makarating na ako sa Equinox Hotel ay agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. Bumati sila sa akin gamit ang pagyuyuko nila ng kanilang mga ulo sa harapan ko. Pero ‘di ko na sila pinansin pa. Nagmamadali na ako paakyat sa conference room sa taas kung nasaan ang Ama ko.
Mabilis ako na nakarating sa palapag na ‘yon at bago ako pumasok sa conference room ay huminga muna ako ng malalim. Saka ako kumatok at pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang video ko na nakikipaghalikan sa isang bar na naka-play ngayon sa screen sa harapan. Holy sh!t! Kagabi lang nangyari ‘yon, ah? Mabuti na lang at si Dad lang ang nanonood ngayon no’n. Siya lang ang nasa loob ng conference room ngayon. Pero, tang ina! Anong mabuti ang sinasabi ko? HINDI MABUTI ‘TO!
“Dad…” tawag ko sa kaniya.
“Do you see this scandal of yours?” tanong niya sa akin. Napalunok naman ako. Pero ‘di ko ipinapakita sa kaniya na kinakabahan ako ngayon.
Ginawa ko ‘yan. Kailangan kong panindigan.
“Yes, Dad.”
“Alam mo ba kung paano mo na muntik na masira ang imahe ng Equinox Hotel dahil sa video na ‘to? Mabuti na lang at naagapan ko agad na ‘wag nang maikalat pa ng husto sa social media! You don’t know how much this video has costs me!” sigaw pa niya sa akin. Ramdam ko ang galit niya.
Sh!t. Mabuti na lang at soundproof ang conference room na ‘to. Kaya kahit pa sumigaw siya nang sumigaw dito ay walang makakarinig na mga tao sa labas, kung mayroon man.
“I’m sorry, Dad. Hindi ako nag-iisip ng ayos. I’m sorry. I don’t have any excuses.”
Para saan pa ang pagdadahilan ko? Kung nakita at napanood naman na niya ang video ko na nakikipaghalikan sa tatlong mga babae. Salitan ko silang hinahalikan kagabi. Bago pa ako tumira ng mga babae sa kwarto d’yan sa bar. Hindi ko naman akalain na na-video-han pala ako. May nakakagay pa na caption sa itaas na “The owner of Equinox Hotel was this hot and wild!”
Malamang ay mga tropa ng mga babae na kalandian ko kagabi ang nag-video sa akin no’n. Hindi ko na napansin dahil sobrang daming magagandang chix na nasa harapan ko kagabi. Abala ako sa pakikipagsiyahan sa kanila. Pero hindi ko rin naman pwedeng idahilan ‘yon sa galit na ama ko ngayon. Baka mabugbog pa niya ako, katulad ng ginagawa niya noon kay Radley.
“Bumaba ang sales ng Equinox Hotel ngayon dahil dito! Nakita na ng mga executives ang tungkol sa video na ‘to. Magpasalamat ka na lang at nagawan ko na agad ng aksyon bago pa mas lumala ang problema na ‘to. Isa pa na magkamali ka ay babawiin ko na ang negosyo na ‘to sa ‘yo,” banta naman niya sa akin. ‘Yon na nga ba ang hindi ko gusto na mangyari.
“I promise that it won’t happen ever again, Dad. Babawi ako. I will fix the mess that I made.”
“Tigilan mo ang pagiging maruming lalaki mo. Bakit hindi mo gayahin si Radley? Focus lang siya sa trabaho at negosyo niya. Ginagawa niya ang lahat to be on top always. To be more successful. Nilalamangan niya ang mga nagawa ko para sa kumpaniya. Pero ikaw? Ang ginagawa mo lang ay ‘yong mga normal lang din na nagagawa ko noon para rito sa hotel na ‘to. Walang pagbabago o improvement man lang,” pangaral pa niya sa akin.
Pero hindi ko na nagustuhan pa ang mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko gusto na kinukumpara na niya ako ngayon kay Radley. At least ako ay nagagawa kong maging masaya sa buhay ko kahit papaano. Sa tingin ba niya ay masaya pa si Radley sa mga ginagawa niya sa buhay niya? Ginagawa niya lang ang lahat ng mga utos ni Dad. Wala siyang sariling buhay. Kontrolado siya ng ama namin. Ayoko naman na magaya ako sa kaniya.
Tapos tinawag pa niya ako na isang maruming lalaki? Wow. Just… wow!
“Pasensya ka na, Dad. Sinusunod ko lang naman ang yapak mo. Nakakalimot ka na yata? Hindi ba at sinabi ko naman sa ‘yo na ikaw ang idolo ko? Pero ‘wag kang mag-alala. I will do my best na mas higitan ang mga nagawa mo rin para sa hotel na ‘to.”
Naalala ko na nahuli ko noon si Dad na nangbababae. Kahit na tatlo na ang mga anak niya at mahal na mahal siya ni Mom ay nagagawa pa rin niya na magloko at maghanap ng ibang babae. Mga maraming beses ko rin siya na nahuli na gano’n. Alam din naman niya na nahuhuli ko siya, pero wala siyang pakialam. Pinagpapatuloy niya lang ang mga pangloloko niya.
Masama ba na ginaya ko siya noong lumaki ako? Na kung sino-sinong mga babae ang nilalandi ko, hinahalikan ko, at tinitira ko? E gano’n ang nakita ko sa nakakatanda sa akin noong bata ako. Kaya ‘yon ang natutunan ko mula sa kaniya.
“Huwag kang magmalinis sa harapan ko. Magmalinis ka na sa harap ng ibang mga tao, pero ‘wag sa akin. Parehas lang tayo na maruming lalaki, Dad. But at least I am not married,” dagdag na sambit ko pa.
Saka ko na siya iniwan sa loob ng conference room. Hindi tama ang mga nagawa niya kay Mom. Pero wala rin akonng nagagawa kung si Mom mismo ay ayaw hiwalayan ang aming ama dahil gusto pa rin ng buong pamilya…
Nagmana lang ako ng pagiging fùćk boy ko sa ama ko. ‘Yon lang ang dahilan kung bakit ako naging ganito…