Dilat na dilat ang mga mata ko ngayon. Tang ina daig ko pa ang sabog dahil namumula ang mga mata ko. Pero antok na antok na ako. ‘Yon nga lang ay hindi ako makatulog dahil… SA SOBRANG LAKAS NG HILIK NI ANASHA! “Did you slept well?” tanong ko nang makita na lumabas na si Anasha mula sa kwarto ko. Narito ako sa salas kanina pa. Dahil narindi na talaga ako sa hilik niya. Sinubukan ko na matulog kagabi, pero hindi talaga kaya. Hindi nga siya malikot matulog, pero sobrang lakas naman ng hilik niya. Hindi ko rin kaya na makatulog sa sofa. Gusto ko talaga ay sa kama ko. Naisip ko pa nga kagabi na umuwi na lang sa bahay namin. ‘Yon nga lang ay mahihirapan pa ako sa byahe dahil may kalayuan mula sa bahay namin ang hotel ko. Madaling araw na rin no’n. “Yeah. I slept well,” simpleng sagot niya la

