"Hey, Raiden." "Yes?" Lumapit sa akin si Radley. Nakahiga ako ngayon dito sa kwarto ko. Pero palagi namang hindi naka-lock ang pinto ng kwarto ko. Dahil ang mga kapatid ko lang din naman ang pumapasok dito. Tinatamad pa ako na magpunta sa Equinox Hotel, kaya kahit tanghali na ay nakahiga pa rin ako rito sa kwarto ko. "Dad talked to me about the hotel. Gusto mo ba talaga na maibigay niya sa akin ang naipamana niya sa 'yo?" Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko nang marinig ko kung ano ang sinabi ni Raiden sa akin. Nanglalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "What? Kailan ka niya kinausap? Ano ang mismong sinabi niya sa 'yo?" tanong ko pa sa kaniya. "He wants me to take over your company. Sinabihan niya ako na huwag kong sabihin ito sa 'yo. Ayoko nang isa pang aa

