Maureen's point of view Ngayon ang huling gabi ni Tito Robert. Kakatapos lang magmensahe ang mga kaibigan nito. Nasabi sa akin ni Tita Eliza na uuwi muna sila ni Yna sa Russia, tinanong niya ako na kung gusto ko ay isasama niya si Zyreen. Tumanggi ako sa alok niya dahil may plano rin ako pagkatapos ng libing bukas. Nasa harap ngayon si Yzekiel para magbigay ng huling mensahe para sa ama nito. Si Zyreen ay katabi ni Tita Eliza habang ako naman ay nakahanay sa mga empleyado ng kompanya na dumalo sa huling gabi. "I don't know what to say because until now I couldn't believe my Daddy was gone. Dad, I know you're listening right now, I promise to take care of Mommy and Yna. Ako ang bahala sa Reyna at Princesa mo kaya hindi mo na kailangang mag-alala. I love you, Dad." Bumaba agad ito at yu

