Author's point of view "Wala ka bang balak umuwi? Hahanapin ka ng asawa mo," sabi ni Austin kay Yzekiel. Nasa Vandragon sila ngayon. "Where is Jake?" Tanong ni Yzekiel at hindi pinansin ang tanong ng kaibigan. "Sa condo niya," sagot ni Austin. Tumayo si Yzekiel at tinignan si Austin. "Let's go to his condo and have a drink there," sabi ni Yzekiel. Wala ng nagawa si Austin kundi sumunod sa kaibigan. Alam ni Austin na may problema ang kaibigan tungkol sa asawa nito kaya madalas ay nag-aaya itong uminum sa Vandragon. "Why is he always busy?" Tanong ni Yzekiel habang nasa byahe sila. Gamit nila ang kotse ni Yzekiel. "Lahat ng pwedeng pagkakitaan ginagawa niya na," naiiling na sabi ni Austin. Sa kanilang magkakaibigan si Jake ang madiskarte, basta pagkakakitaan ay pinapasok niya. Laha

