Maureen's pov Nagkaruon ng emergency sa opisina kaya wala rito si Yzekiel maagang umalis. "Ang dumi ng bahay! Anong silbi ng mga katulong kung puro kayo pahinga lagi!" "Akala niyo hindi ko napapansin na puro kayo kwentuhan sa oras ng trabaho?!" "Stupid! Ang mahal niyan!" Pagka-alis pa lang ni Yzekiel ay puro sigaw na ni Nathalie ang naririnig ko. Kanina pa nito sinisigawan ang mga katulong. Naaawa na ako sa iba dahil naiiyak na sa ginagawa nitong pagpapahiya. "Ganyan ba talaga siya, Manang?" Tanong ko. "Oo tuwing wala si Sir Yzekiel. Kaya nga masaya ang mga tao rito sa bahay pag nasa ibang bansa 'yan," sagot ni Rose na ayaw lumabas. Ang dahilan nito ay siya ang magpapakain kay Zyreen kaya hinayaan ko na lang. "Kailan pa naging ikaw si Manang?" Tanong ko. "Ang hilig mong sumagot pag

