Kinabukasan ay dumating si Eliza at kasabay nila itong kumain pati si Yna. "Apo, paano ka gagaling kung hindi ka kakain?" Malambing na sabi ni Eliza sa apo. "Gusto ko ang mommy ko. Ayoko na rito," mahinang sagot ni Zyreen. Ilang beses sinubukan ni Yzekiel na lumapit sa anak pero umiiyak ito pag hinahawakan niya. "Anak-" "Ayoko sayo kasi bad ka," naluluhang sabi ni Zyreen at humarap kay Eliza. "Grandma, nasaan po si Mommy?" Napapikit si Yzekiel dahil nasasaktan ito sa pakikitungo ni Zyreen sa kanya. "Manang, nasaan si Maureen? Pakitawag nga," utos ni Eliza. "May iuutos po kayo, Ma'am? Ako na lang ang gagawa dahil inaapoy ng lagnat si Maureen," sabi ni Manang at napatingin kay Yzekiel. "May pasa sa tagiliran nito na iniinda dahil sa pagkakatulak ni Yzekiel." Sumbong ng mayordoma sa

