Maureen's point of view Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Yzekiel. Pagdating niya kaninang umaga ay dumeretcho agad siya sa kanyang opisina at hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Buong umaga rin niya akong hindi tinawag, sinubukan kong dalhan siya ng kape kanina para magpapansin pero hindi man lang ako tinignan. Sinubukan ko ring akitin siya pero walang nangyari dahil hindi niya talaga ako matignan. Alam ko na sobrang nagalit siya sa ginawa ko kahapon. At nalaman ko rin na si Nobleza ay nagnakaw ng ilang milyon sa kompanya at 'yun ang tinatalakay nila sa meeting. Nakakainis lang dahil hindi ako nakinig at mas natuon ang attention ko kung paano siya mapapahiya. Hanggang ngayon ay may problema pa rin ang kompanya, at nakadagdag pa ako. Lunch na kaya pumasok ako sa

