Maureen's point of view Nakatingin ako ngayon kay Dave na may kausap, narito siya sa sala ng bahay. Alam ko na zoom meeting ang nagaganap pero naiirita ako sa suot niya, naka-Americana tapos short na pambahay. Hindi ko alam kung maiinis ako sa trip niya o matatawa ako sa ayos niya ngayon. Pwede naman kasing sa bahay niya gawin ang meeting na 'yan pero ang loko sa sala ko talaga siya pumwesto. Kaya heto ako ngayon ang iniisip kung ilang katol ang natira niya para mag americana at short pants. "Send the financial report to my email," sabi nito at tumingin sa akin. "Gotta go, my girlfriend is waiting for me." Lakas talaga ng apog niya, inirapan ko siya na ikinatawa naman niya. "Naks, may girlfriend na si bossing. Pang ilan 'yan," rinig kong sabi ng isa. Babaero talaga, pati mga empleyad

