Maureen's point of view "Mag-iingat ka duon at wag kang makulit, Zyreen. Makinig ka kay Mamita at Papi mo, at lagi ka lang sa tabi nila. Pag may problema ka tawagan mo ako, alam mo naman na kung paano gamitin ang cellphone na binigay ko sayo. Pindutin m lang ang-" "Alam ko na, Mommy. Huwag po kayong mag-alala ," sabi ni Zyreen sa akin. Huminga muna ako nang malalim bago siya binuhat palabas ng kwarto. Nakita ko si Tita Eliza at Tito Robert na naghihintay. Lumapit ako at umupo sa harap nila. Mabilis nilang naayos ang passport ni Zyreen para maisama nila ito sa Russia ng ilang araw. Naisip ko na pumayag dahil may karapatan sila at wala silang naging kasalanan sa ginawa ni Yzekiel sa kambal at pamangkin ko. Tinanong ko rin sila kung alam na ni Yna ang tungkol kay Zyreen, ang sabi nila sa

