Author's point of view Awang awa si Jack sa kaibigan dahil nakikita niya itong umiiyak. Gusto niya itong lapitan at kausapin pero kilala niya ang kaibigan na sarado ang isip pag sobra ang nasasaktan. Hindi rin mapigilan ni Jack na magalit kina Paula at Iya dahil kita nito na natahimik si Maureen at nagulat ng pinagtanggol ng mga ito si Suzzette. Pumunta si Jack sa kwarto ni Suzzette at tamang tama na kakalabas lang ng dalawang kaibigan niya. "Jack, kanina ka pa? Bakit hindi ka pumasok sa loob? Kakatulog niya lang hindi nga siya magtigil sa kakaiyak," balita ni Iya. Walang mabakas na emosyon ang dalawa kay Jack. "Pack your things now! Aalis na tayo," seryosong sabi nito at pumasok sa kabilang room nito. Sumunod si Iya at Paula sa loob ng kwarto. "Aalis na tayo? Paano si Suzzette? Pa

