Author's point of view Nagising si Dave dahil sa sunod-sunod na katok. Napangiti siya pagkamulat ng mata dahil nakita niya si Maureen. Hinalikan niya muna ito sa noo bago nagbihis at tinungo ang pinto. "Daddy? Kailan po kayo umuwi? Ano pong ginagawa niyo sa room ni Mommy?" Nagtatakang sabi ni Zyreen ng si Dave ang magbukas ng pinto. Binuhat ni Dave si Zyreen at marahang sinara ang pinto ng kwarto. "Laro tayo sa sala, pagod si Mommy. Kaya mamaya pa 'yan magigising," sabi ni Dave. "Kailan po kayo umuwi?" "Kaninang madaling araw, namiss kasi kita. Miss mo ba si Daddy?" Tanong ni Dave at pinanggilan si Zyreen. Mahigpit niya itong niyakap at pabagsak na umupo sa sofa. "Miss po kita pati si Mommy miss ka. Alam mo po Daddy si Mommy nakatingin lang sa cellphone niya kahapon at hinihintay k

