Demetriou’s POV “Sayang lang ang binabayad ko sa inyo! Mga wala kayong kwenta! Inabot na ng taon ngunit kahit isang lead ay wala kayong makuha sa kinaroroonan ni Zoe!?” Halos mapatid ang litid ko dahil sa pagsigaw, nanggagalaiti ako sa galit dahil napakainutil ng mga taong kinuha ko para maghanap kay Zoe. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako dahil sa matinding frustration, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nakikita. “Boss ginawa na namin ang lahat ngunit sadyang wala kaming makuhang impormasyon dahil halos lahat ng record ng cctv sa bawat street ay burado na kaya ang hinala namin at may humaharang sa aming paghahanap.” Paliwanag ng tauhan ko kaya natigilan akong bigla at nahulog sa malalim na pag-iisip. “Doblehin mo ang mga tao mo at suyurin n’yo maging kasuluk-sulukan ng bansa huwa

