"I'll be the one who stays until the end." PUNO ng luha ang mga mata ko. Sobrang sakit na naman ang nararamdaman ko sa dibdib ko. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nasa isip ni Arion para saktan ako ng ganito. Hindi man lang siya nag-abalang sundan ako. So he chose that b***h? Wala talaga siyang pakialam sa akin!? Sumakay ako ng kotse ko. I started the car engine. Napakahigpit ng pagkakahawak ko sa manibela. Nagulat ako nang makarinig ng napakalakas ng busina. Bigla akong natauhan mula sa malalim na pag-iisip. I looked around and I realized that I'm still on mt way to Hashtag Bar. Kinapa ko ang pisngi ko. Walang luha iyon. Gosh, what is happening to me? Nakatigil pala ako sa stop light. I immediately drive dahil nagkakaingay na ang busina ng mga sasakyan sa likod. I gulped. G

