"Too many memories that I need to forget." NAKAPAMEYWANG ako habang palipat lipat ang tingin ko kina Arion at Ludwig. They came home from the bar. "Wala akong kasalanan dito." Sabi ni Ludwig. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Hindi ba't kaya kita pinasama kay Arion ay para maiwasan ang gulo o kung ano mang sakitan? Pero anong nangyari? Nagkagulo pa rin. Naging watcher ka lang do'n e." Napakamot siya sa ulo. He even pouted his lips. "Bakit parang kasalanan ko, Maleha? Si bro naman ang triggered sa ex mo kaya nanuntok." Sinamaan siya ng tingin ni Arion. "At ikaw, Arion Chase. Malinaw mong sinabi na usap lang pero may suntukang nangyari. I trusted you." He looked at my eyes. "Call me baby. Do not call me by my f*****g name." Nasapo ko ang noo ko. "Bro 'wag kang choosy. May kasalana

