"Find a man who will look at you like you're the prettiest woman he ever met." HINDI ko mapigilan ang luha ko. Kanina pa ako umiiyak at nagrereklamo na ang make up artist dahil nasisira ang make up ko. "Maleha, you looked like a mess. Ikaw dapat ang pinaka maganda ngayong araw na 'to because it's your day." Sabi ni Cath na malapad na nakangiti sa akin. "Kasi naman... kasi... akalain ko ba na sa dinami daming pinagdaanan ko like pain, aabot pala ako sa puntong ito. Ako na yata ang pinakamasayang babae ngayon." Sabi ko. "Ganyan na ganyan din ang naramdaman ko noong ikinasal kami ni Lucio. Ganyan talaga, Maleha. Iba talaga sa feeling iyong makasal ka sa taong mahal mo na alam mo ring mahal ka. After all the pain you felt before, you deserve to be happy." Huminga ako ng malalim. "Thank

