Umuwi na si Ate sa bahay namin pero pakiramdam ko ang layo niya sa akin. Kinakausap niya ako pero bakit gano'n ang pakiramdam ko? Bakit parang may harang na sa pagitan naming dalawa. Isang mataas na bakod na hindi ko nakikita. May limitasyon na naman sa pagitan naming dalawa. Hindi nanlalamig sa akin si Ate, normal siyang makipag-usap sa akin. No'ng panahon na normal pa kaming dalawa, no'ng mga panahon na hindi pa kami nagkakasala, gano'n makipag-usap sa akin si Ate. Nagbago siya— hindi, bumalik na siya sa dati. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hihilingin ko ba na manatili siya sa ganito, o sa ugaling nakasanayan ko na noon? Magiging selfish ba ako kung gugustuhin ko na magkasakitan kaming dalawa 'wag lang magbago ang pakikitungo niya sa a

