Kinabukasan, nagising si Flair sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang balat. Hindi na yata uso ang alarmed clock dahil tuwing tumatama ang sinag ng araw sa kanya. Automatically na siyang nagigising. Malikot matulog si Flair dahil kung minsan na kadapa siya, minsan nakadiretso, at minsan nakatagilid habang na ka yakap sa dalawang tuhod niya. Mabilis kasi itong ginawin. Nakakagulat na nakadantay ang hita niya sa bewang ni Moss. Hindi pa siya totally na gising dahil pilit pa niyang minumulat ang kanyang mga mata. Masarap ang tulog niya kagabi. Hindi niya alam kung bakit pero ‘yon na yata ang pinakamahimbing; niyang tulog sa tanang buhay niya. When she finally opened her eyes. Bumungad sa kanya ang mukha ni Moss, na abala parin sa pagtulog. Ni hindi yata ito gumalaw kagabi. ‘Yun pa rin ang

