Napabalikwas si Flair sa higaan at agad na napabangon sa hinihigaan ng mawala ang tama ng alak sa kanya. Malalim ang tulog niya kagabi kaya't anong oras na rin siya nagising. Napahawak siya agad sa ulo niya dala ng hangover. Masakit ang mata niya at pakiramdam niya ay maga iyon dahil sa pagiyak niya kagabi. Mabigat at mainit ang pakiramdam niya sa parte ng mata niya. Dumagdag pa ang sa‘kit ng kanyang ulo. Muli na naman tumulo ang mga luha ni Flair kahit maga pa ang mata niya. Naalala niya ang nangyari kagabi. Wala ng tao ro'n at siya na lang ang nagiisa sa kwarto. Tiningnan niya ang katawan niya at hindi naman siya nakahubad ng magising siya. Wala rin siyang naramdaman na kakaiba bukod sa medyo masakit ang kanyang ulo dala ng tama ng alak kagabi. Hindi niya maalala kung sino ang lala

