After lunch. Hinayaan muna ni Moss si Flair na magliwaliw sa pool area habang siya ay kausap ngayon ni Lee. "Naihatid mo ba siya?" "Yes, Sir Moss, naihatid ko na siya sa airport pero may pinapasabi po si Miss Dexie, bago siya umalis." Seryoso si Lee habang sinasabi iyon kay Moss. "Babalik daw po siya Sir Moss, babalikan niya daw po kayo," usal ni Lee. Seryoso lang si Moss at hindi naman na apektuhan sa sinabing balita ni Lee. "Okay, thank you, pwede ka ng magpahinga Lee, alam kung kagabi ka pa pagod kakabantay sa kanya," usal ni Moss. " Salamat Sir Moss, mauna na po ako," paalam nito at bahagyang ngumiti bago ito tumalikod at umalis. Sa pangalawang pagkakataon. Muling na disappoint si Moss kay Dexie. Akala niya ay nagbago na ito pero hindi papala. Pinagpipilitan nito ang sarili n

