Mabilis na iniwan ni Moss si Dexie. Habang ito naman ay pinagbabasag ang gamit sa room na kinuha niya. Kaya naman niyang bayaran ang mga base at mga naka-display na binasag niya. Gulo-gulo ang buhok ni Dexie at puno ng luha at pawis ang kanyang mukha, kahit na malamig sa buong hotel. Na bura ang makeup nito sa mukha. Nakaupo ito sa kama kung saan hawak niya ang kanyang phone. Ilang oras din ni-re-recover ni Flair ang account niya. Dahil sa ginawa nitong pang -ha-hack dito. Ibinalik niya sa dati ang password nito para mabuksan ulit ni Flair. Pero may video na nakasend mula sa account nito. ‘Yon ang video nila ni Moss na naghahalikan. Pagkabukas na pagkabukas ni Flair ng kanyang account. Message agad ni Moss ang tiningnan niya. Nakita niya ang video galing mismo sa account niya. Siya an

