Nagtataka si Flair kung sino ang 'Dexie' na tinutukoy ni Lee kanina. Parang sobrang importanteng tao nito dahil mukhang tinakbo pa ni Lee ang mataas na bahay ni Moss malapit sa villa. Umupo siya sa kanyang kama at hindi maalis sa kanyang isipan ang pangalang sinabi ni Lee kanina. Wala naman siya dapat ika bahala pero na babahala pa rin siya. Hindi na rin ito nag abalang tanongin si Moss kung sino iyon. Mabilis na nag-text si Flair kay Jessie at kinamusta ito para mawala ang bumabagabag sakanya. To; Jes Jessie, na recieve mo na ba ‘yung ipinadala ko? Nakangiti si Flair habang i-ti-na-type iyon. Gusto na niya makita ang magiging baby ni Jessie pero alam naman niyang matagal pa ito. Wala naman problema sa boyfriend nito dahil kilala naman niya ito at alam niyang maalaga ito kay Jessie.

