Drunk Sumapit ang dilim at nagtipon tipon ang mga stuff ni Moss. May mga katulong na nag ihaw ng barbeque at nagsindi ng bonfire. Malayo sila sa mataong lugar dahil hindi naman sila pwedeng mag; bonfire ng may mga taong ini-enjoy ang night view at night swimming. Nakasuot si Flair ng jacket at suot pa rin ang short niya kanina. Naramdaman niya kasing malamig ang hangin ngayong gabi. Tinabihan ni Flair si Tessa na nakaupo malapit sa bonfire at tulalang niluluto ang stick sa apoy. "Huy, muka kang na lugi d’yan. May problema ba?" biro ni Flair at tinabihan ito. Palihim nitong pinipigilan ang sakit dahil babaero nga talaga si Trevor. Umalis na rin si Darrel dahil one night only lang ang gig nila dito. "Huy? Tessa? May kausap ba ako?" biro ni Flair para ngumiti si Tessa. Humarap ito sa k

