KABANATA 3

1458 Words
Interview Flair was too lazy to get up pero kailangan niyang bumangon sa pagkakahiga, pakiramdam niya ay pinagkaitan siya ng tulog dahil nag-photo-shoot pa siya sa isang beauty brand at 'tsaka 1 am na silang nakauwi ng kaibigan niyang si Jessie. Si Jessie ang kanyang matalik na kaibigan ay suportado siya lagi sa mga gusto niya. Kung may perfect boyfriend ang iba meron namang perfect bestfriend si Flair sobrang swerte siya sa kaibigan niyang iyon dahil mabait, mapagbigay, at mapagkakatiwalaan. Dito na natulog si Jessie sa condo niya dahil aalis sila ng 3 am. Yes, tinawagan sila ng company ng Hart Villa na kilala bilang isa sa pinaka may magagandang villa sa bansa, ang alam ni Flair ay gagawin na iyong malaking resort. Nagpasa lang si Flair ng mga requirements via email at tinawagan na sila nito kahapon ng gabi. Kailangan pa raw ng on-screen interview para makapasa bilang bagong muka ng kanilang mas pinagandang resort. Pinusod lamang ni Flair ang kanyang buhok at bagyang kinulot ang dulo nito at nagsuot ng denim na mom-jeans at sexy tops saka bahagya rin siyang nag-ayos. Kung titignan mo si Flair ay hindi na niya kailangan ng bonggang mga make-up kahit light make up lang ay litaw na ang ganda nito. White rubber shoes muna ang sinuot nito at tinupi ang mga damit na dadalin kung sakaling matanggap siya habang si Jessie naman ay abala rin sa pag-aayos. Syempre hindi ito magpapatalo sa pabonggahan ng suot dahil matagal na nitong gustong makapunta sa villa na iyon. Palagi kasing nakikita sa internet ni Jessie ang isang malaking villa na may napakagandang swimming pool kaya inaya agad niya ang kaibigan na mag apply dahil sigurado naman ito na matatanggap ang kanyang kaibigan. Hanga si Jessie sa kanyang kaibigan na si Flair, dahil bata pa lamang ito ay palagi nang iniiwan ng magulang sa lola niya at ngayong wala na ang lola nito at nasa tamang edad naman na si Flair ay bumukod na ito ng bahay kaya may condo na siya ngayon. May family issue rin si Flair dahil ang mga magulang nito ay palaging abala sa trabaho mula ng bata ito ay madalang lang siya nitong maalagaan. "Okay, tara na?" aya ni Flair sa kaibigan at lumabas na sila ng condo bitbit ang bag na may lamang mga damit, hygiene kit, at high heels. Prepare na prepare ang kaibigan ni Flair na si Jessie sa suot nitong sexy shorts at sexy tops hindi naman niya mapigilang matawa dahil simula nang malaman nito na pupunta silang dalawa do'n ay hindi na ito matahimik sa tuwa. Oras-oras kasi itong nagkwento about sa mga gagawin nito pagdumating na sila do’n. Pumara na sila ng TAXI para makapunta na agad sila sa Airport. "Gzz! Im so excited na girl," kinikilig na pinaghalong tuwa na sabi ni Jessie sa kanya nang makasakay sila sa taxi, gustohin man nilang mag-kotse na lang ay wala namang maghahatid. "Me too, but my drowsiness wins." Flair chuckled, she was really still drowsy at those times. "Mamaya ka na lang matulog," excited pa rin na sagot ng kaibigan niya. Sa isip ni Flair hindi talaga tatalaban ng antok kung excited. After a few munites nakarating na sila sa Airport at 3 am talaga sila nag pa-book ng flight sakto naman ang dating nila dahil 20 munites na lang ay aalis na ang eroplano. Hindi mawala ang ngiti sa muka ni Jessie na siya namang paghawak ni Flair sa ulo nya. "Itatali na talaga kita. Jessie," pagbibiro nito sa kaibigan Jessie chuckled, "Sus, sure ko naman na excited ka rin." "Whatever Jessie, basta ikalma mo ’yung sarili mo," sabi nito at inihit ng tawa. 'Yun lang ang huling sinabi ni Flair nang makapasok na sila sa loob ng eroplano. Flair sighed, "Sa wakas makakapagpahinga rin." Nasa gawing bintana si Jessie habang si Flair naman ay asa kanan niya gustuhin man ni Flair na don na lang siya sa gawing bintana ay hinayaan na lang niya ang kanyang kaibigan. Masaya siya dahil nag-enjoy ito. ... "Please, Stay fastened your seat belts as we are about to landing." Paalala ng mga flight attendant sa mga pasahero. After a long flight nakarating na sila sa Cebu airlines naamoy na ni Jessie ang Villa mula doon. But Flair frowned dahil hindi niya na sulit ang pagtulog niya pano ba naman nagsuka pa si Jessie sa eroplano. Ang akala niya ay sanay itong sumakay ng eroplano pero hindi pala nadala lang ito ng kagalakan dahil pupunta itong villa ngunit sobrang epic ng nangyari para sa kanya. "Gaga ka kasi," hinimas niya ang likod ng kaibigan dahil mukha ng lantang gulay ito. "Worth it naman 'to." Sagot ng kaibigan niyang si Jessie dahil maputla na ang kulay inabutan niya ito ng inumin at hinagod muli ang likudan nito gamit ang isa niyang kamay. "Okay ka na ba?" nagaalalang tanong ni Flair sa kaibigan. "Yes naman, let's go." nagmadali silang kinuwa ang bagahe nila at lumabas ng airport na kita niya ang isang puting van. Lumabas dito ang isang lalaki na naka-semi-attire. May mga kababaihan din siyang nakita sa likod nito na sa palagay niya ay kapwa modelo niya at magaganda rin ito. "Good morning," bati nito sa kanila. Na pansin nilang na mukhang half-chinese ang lalaking nagsasalita. "I'm here para sunduin kayong lahat for your short interview." Paliwanag nito sa kanila, tuwang-tuwa naman si Jessie kahit hindi ito kasali sa mga modelong katabi ng huli ngayon. Nakalagay kasi sa email na sinend nila kay Flair na free one night vacation sa mga tatawagan kahit magsama pa ng isang kasama. "I'm Lee, pinadala ako ni Sir. Moss, para sunduin kayong lahat." Paliwanag nito sa kanila. "Heto ang card for proof," inabot nito sa kanila isa-isa ang card. Meron rin naman logo ang van na dala nito ng Hart Villa. Sumakay na sila sa van dahil mukha namang legit ang taong iyon, sa tantya ni Flair nasa humigit kumulang bente sila na sasalang sa interview. "Girl, magkakaiba kulay n’yo ah." Mahinang bulong ni Jessie sa kanya habang asa loob sila ng kotse. "Shh, I know pero ang gaganda nila tapos may mga morena pa nga." Mahinang sagot ni Flair sa kaibigan. Nung oras na huminto ang van ay alam na nilang nakarating na sila sa Villa. "Omg!" rinig ni Flair at Jessie sa nagsalitang babae nilingon nila itong dalawa pero kahit sila ay nagulat din sa ganda ng nakita nila. "Okay, all of you, prepare for your 20 minutes short interview then after go wherever you want," sabi ni Mr. Lee, sa kanilang lahat. "Your room number is also indicated in the card..." dagdag pa nito. "Please, be prepared... Aalis muna ako para makausap na si Sir. Moss," paalam nito at tuluyan na silang tinalikuran. Mabilis na nagtungo ang dalawa sa room 04 kung saan do'n ang kwarto nila. Nagpalit na ng maong na shorts, sexy tops, at high heels si Flair. Mabilis siyang inayusan ng kanyang kaibigan hanggang sa na rinig na nilang tawag na silang lahat. Flair was slightly nervous right now habang si Jessie ay todo-support sa kanyang kaibigan alam kasi nitong matatanggap ang kanyang kaibigan sa screening man o interview pa. "Okay, tatawagin ko na lang kayo isa-isa para pumasok." sabi ng isang babaeng edad 30s na pero maganda pa rin. "Sir Moss, is waiting inside." "Hmm, let's start from you." The woman seriously pointed her index finger to Flair. Sa isip ni Flair bakit siya pa ang nauna. Pero ngumiti na lamang siya at binuksan ang pinto. The moment she opened the door the sound of silence enveloped the whole room. She was nervous but she keep her chin in their best position, kinuwa niya lahat ng lakas ng loob na meron siya para maglakad papalapit do'n. Napakatikas ng kanyang paglalakad dinama niya ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa gitna at humarap sa lalaking nakaupo roon. The moment she faced that man seems familiar tila ba sabay silang nagulat nang bahagya ngunit hindi ipinabatid ang gulat na iyon sa isa't isa. "Good morning," Flair said. Tila ba napukaw ang atensyon ni Flair sa mga mata ng lalaking iyon. She was trapped by his stares. Sa isip ni Flair bakit napakabatang business man nito, malayo ang itsura nito para maging business man kung hindi nga niya ito nalaman ay baka pagkamalan niya itong actor. "Tell me about yourself," sabi nito habang marahan na nakatitig sa kanya. "I'm Flair Anonuevo, I've been doing freelance modeling for the past few years. 21-years-old woman who independently living on my own." Sa buong buhay ni Flair ngayon lang siya nakatagpo ng lalaki na kaya niyang titigan sa mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD