EPISODE 56 SARAH’S POINT OF VIEW. “Malandi ka! Ano ‘yung nakalap ko na chismis sa house ng parents mo na doon natulog si Matthias?! Gaga ka, malandi ka talaga! You’re still into him pa rin pala talaga, Sarah! Pa secret ka lang pero bumibigay ka pa rin talaga kapag si Matthias na ang usapan.” Pinalo ko si Adele ng malakas sa kanyang braso at napadaing naman siya. “Ay! Nananakit siya, oh! Guilty si marupok kasi true!” muli niyang sabi at tumawa ng malakas. Tinignan ko ng masama si Adele at napahilot din ako sa aking sintido. “Hindi ‘yan totoo, okay? I’m done with him—ilang ulit ko bang sasabihin ‘yan sayo? The reason why he slept there is because he has a high fever. Bago sila magkita ni Marcus ay naaksidente si Matthias pero dahil ayaw niya na umaasa ang anak namin na magkikita sila

