CHAPTER 15

1221 Words
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang kausap ko siya ngayon. "Nanonood ka din ng mga science facts sa youtube?" tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin bilang tugon at saka nagwika. "Nanonood ako ng mga ganon kasi nga, hindi ba? Favorite ko ang science. Haha. Gusto mo bigyan pa kita ng facts e." nakangiti niya ding wika sa akin. "Naku! Huwag na. Nanonood ako ng mga ganon, pero hindi ko kayang ipaliwanag yun. Makakalimutin ako, hindi ba? I mean alam ko, pero yung mga pangalan na tawag sa ganito, ganyan ay limot ko na at baka mabaliktad ko pa ang pangalan ng iba kapag kinuwento ko sa'yo. Haha." sagot ko naman sa kanya. Oo nga pala, akala ko talaga nang nakaraang araw ay galit siya sa akin. Hindi naman pala. Hindi lang daw pala niya ko narinig dahil busy nga siya sa pagguhit. Haha. ZACH Nakangiti kong sinalubong si Melody pagkakita na pagkakita ko sa kanya. "Good morning, Melody!" masiglang bati ko sa kanya. Bahagya siyang nagulat dahil napalakas yata ang boses ko. "Oh? You surprise me." tugon niya sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya bilang tugon. "Tara! Mamasyal naman tayo sa ibang lugar." nakangiti ko pang pagyaya sa kanya. "Saan naman?" walang gana niyang tanong. Nagsimula na kaming maglakad pababa ng apartment. Oo nga pala, sunday ngayon at napag-usapan naming dumaan muna sa simbahan at magsimba bago mamasyal. Siyempre, ako ang nagplano ng lahat at agad naman siyang pumayag sa pamamagitan ng favorite line niya. Ang 'okay'. Tsk! "Hihi. Let's see..." sagot ko sa kanya. Tumawag na kami ng taxi at siyempre, pinauna ko na siyang makapasok sa loob. As usual, nakapalumbaba lang siya sa loob habang nakatingin sa labas ng bintana ng taxi. Napapabuntong hininga na lamang tuloy ako sa nakasanay niyang gawin. Lagi nalang siyang bored at expressionless. Hindi ko tuloy maintindihan minsan kung may pag-asa pa ba ko sa kanya o wala talaga. Minsan kasi pinapakita niya na wala talaga akong pag-asa, pero minsan naman nagpapakita siya ng motibo para huwag agad akong sumuko sa kanya. Kaya hindi ko na talaga alam ang dapat gawin. Para akong naglalaro ng fifty-fifty ang chance na matalo o manalo. Well, I think ay susundin ko nalang kung ano ang sinisigaw ng puso ko. •••• "Hey, anong hiniling mo sa simbahan?" tanong ko kay Melody. Naninibago ako sa kanya ngayon kasi wala siyang dalang headset at libro. Haha. Ngayon ko nga lang napansin ang bagay na yun kahit kanina pa kami magkasama e. "Nothing." sagot niya sa akin. Tss. Nothing daw, ang tagal niya ngang nakapikit at nakaluhod kanina sa simbahan. "Really? Ako, hiniling ko na sana dumating ang araw na magustuhan mo na din ako." nakangiti ko nalang saad sa kanya. "What are you talking about?" rinig kong bulong niya kaya pasimple akong napangiti. "So, saan tayo susunod na pupunta? Hmm..." saad ko habang iniisip kung saan ang susunod naming pupuntahan. Ano nga ba yung sinabi ko sa kanya na susunod naming pupuntahan? "Why not we go to the new cake shop that Sean mentioned before? Alam kong hindi ka mahilig sa pagkain dahil ganon din naman ako, pero why not give it a try? Ofcourse, daan muna tayo sa national bookstore para bumili ng libro. Yun naman ang gusto mo, hindi ba? Tsaka malapit na din ang birthday ni Zeus. Kaya... hahaha." nakangiti kong paliwanag sa kanya. Napakunot ang dalawang kilay ko ng makitang magspark ng slight ang mata niya sa sinabi ko. "Okay. Let's go to national bookstore." saad niya pa. Pagkatapos ay nauna na siyang naglakad patungo sa sakayan. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. As I thought, she love books so much. •••• Hindi ko alam kung nakailang oras na kami dito sa loob ng national bookstore. Mukha yatang may balak ang kasama ko ngayon na bilhin ang lahat ng libro na nandito ngayon. Ang dami niya na ngang napili, pero namimili pa din siya hanggang ngayon. Ako? Wala pa din akong napipili kahit isa. Ano ba naman kasing alam ko sa mga libro na yan. Hindi naman ako mahilig d'yan kaya hindi ko din alam kung ano bang story o book ang maganda. "Okay, That's all." sa wakas ay saad din ni Melody. Mukhang natapos na din siya ngayong mamili ng libro. Nagtungo kami sa counter para bayaran ang lahat ng books na pinili ni Melody. Bahagya pang nagulat yung counter dahil sa dami ng libro. Muli akong napabuntong hininga dahil sa naging asal niya. "So, nakapili ka ba ng libro?" tanong sa akin ni Melody. Wow. Nasa good mood yata siya ngayon. Haha. "Hindi nga e. Next time nalang siguro. Hehe." tugon ko naman sa kanya. As usual, bumalik na naman sa dati ang mukha ni Melody. Nandito na kami ngayon sa cake shop at kumakain. Si Melody naman ay kumakain habang sinisimulan ng basahin ang binili niyang libro. Bored naman akong nakatingin sa labas habang kumakain. Back to walang kibo na naman siya ngayon. Tsk! Ganyan pala ang nagagawa ng libro sa kanya. Nagiging tahimik siya. Muli akong napabuntong hininga. Maya-maya ay may naisipan akong itanong kay Melody. Hihi. "Hey, may itatanong ako sa'yo. Hihi." nakangiti kong panimula sa aking sasabihin. "Mmm...?" Lalo yatang lumala ang pagiging tahimik niya ngayon? "Am I handsome?" nakangiti kong tanong. Ngunit hindi man lang nagbago ang expression ng mukha niya sa sinabi ko. "No." Napasimangot ako dahil sa naging sagot niya. "So, do you likes me even a little?" tanong ko pa. "No." Tuluyan na kong natigilan ng marinig ang naging sagot niya. So, I don't even have a slight chance, ha? "Would you cry when I'm gone?" pabulong na tanong ko pa sa kanya. Kahit patuloy pa din siya sa pagbabasa ay muli siyang sumagot sa akin. "No." Napatingin ako sa kanya ng marinig ang kanyang sinabi. Well, I can't blame her... "So, If I ask you to be my girl, its a 'no' ha? I'm sorry to bothered you. I have to go now." saad ko at akmang tatayo at aalis na ng bigla niya kong pigilan at pinaupo ulit. "You are not handsome 'cause you're just cute. Ofcourse, I don't really likes you because I think I love you now. I don't want to cry when you're gone because I want to die also if it's happened..." Natahimik at tila naistatwa ako dahil sa sinabi niya. Bumilis pa ng sobra ang t***k ng puso ko. "That is what you wanted to hear from me, right?" dagdag niya pa. Ewan ko kung bakit, ngunit ang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng pagkainis sa kanya. Huminga ako ng malalim at sinagot siya. "Oh? Yes. You're right. But, its doesn't matter anymore. You said before, right? 'It's not wrong to try and give your best to someone you love. But, it's not right to force someone to love you back. Because, in the end, you will end up hurting yourselves.' Maybe, maybe... It's time already. It's time to end this stupid game. Its time to wake up myself form my own dream. I know its too early to say this... but thank you for everything and I'm sorry, but I give up." mahabang wika ko at iniwan na siya. Maybe, I'm not really meant for her. Maybe, we're just destined together, but not meant to be forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD