Nagmamadali kong tinapos ang assignment at activity ko sa school para makapagsulat agad ng bagong yugto sa istoryang sinusulat ko. Habang gumagawa ng gawain sa school ay kumakain din ako ng favorite kong wiggles para mapadali ang pag-iisip ko. Samantala, habang gumagawa ay bigla akong napaisip. Kapag natapos ko kayang gawin 'to at naisalibro kung sakali, may pag-asa kayang mabasa niya 'to? Sana... Sana naman dahil para kasi sa kanya ang istoryang ito.
ZACH
Isang linggo na ang lumipas. Ewan ko kung napapansin ba ni Melody ang paglingon ko lagi sa direksyon niya. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung tungkol sa deal or huwag nalang. Sa tingin ko kasi ay tama naman yung sinabi sa akin ni Zeus. Bagay nga at nararapat si Melody Scarlet para maging isang fake girlfriend ko. Kaya lang, ang ikinababago at ikinalilito ng isip ko ay kung papayag ba siya o hindi. Tatawanan kaya niya ko kapag sinabi ko yun sa kanya? O 'di kaya ay katulad ng dati niyang ginagawa, babalewalain niya lang ang sinabi ko at hindi nalang magsasalita.
Ngayon, oras na naman ng klase. Kaya naman, magkatabi na naman kami ni Melody ngayon.
"Yes? May kailangan ka?" Natigilan ako ng biglang magsalita si Melody. Hala? Nahuli niya ko! Nahuli niya ang paglingon-lingon ko sa gawi niya.
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko bago ko siya sinagot. "A, wala. Hahaha." tugon ko sa kanya. Sana naman maniwala siya sa akin. Tss.
"Okay." wika niya at muling humarap sa harapan at nakinig sa teacher namin. Tss. As I thought... Tsk! Teka, ito na kaya ang tamang oras para tanungin ko siya tungkol sa fake relationship? Pero sandali... Papayag naman kaya siya?
"A, ano..." Tsk! Hindi ko matapos ang gusto kong sabihin sa kanya. Tsk! Napalingon muli sa gawi ko si Melody at nakapalumbabang nagwika.
"What now?" walang emosyon niyang tanong sa akin. "A, can we talk later after class?" Muli akong napabuntong hininga matapos masabi ang mga katagang yan. Natanong ko din sa kanya. Bakit ba kasi nahihirapan akong tanungin sa kanya ang simpleng bagay na yun? Tsk!
"Hihihi." Muli akong napasimangot ng marinig ang mahinang tawa ng dalawa kong baliw na kaibigan. Napatingin naman ako sa paligid ng maramdamang parang biglang tumahimik. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ng malamang nakatingin sa direksyon ko ngayon ang lahat ng mga kaklase at teacher ko. Hala?! Hindi naman masiyado malakas ang pagkakasabi ko e. Bakit nakatingin silang lahat sa akin ngayon? Tsk!
"Tama na yang pagliligawan. Makinig na muna sa harapan, okay? Hihihi." pahayag ng teacher namin habang mapang-asar pa na nakatingin sa amin ni Melody.
"H-Hindi po ako nanliligaw sa kanya." paliwanang ko sa kanila. Kaya lang, mukhang hindi yata sila naniwala sa akin at mas lalo pa silang nagsitawanan.
Matapos silang mang-asar ng todo sa amin ni Melody ay bumalik na sa pagtuturo ang aming guro. Mabilis pang lumipas ang oras hanggang sumapit na nga ang recess.
"Hahaha. Bro, I never know that you are too shy when we talk about girls. I mean when ms. melody is involved. Hahaha." pang-aasar na naman ni Sean sa akin habang kumakain.
"Tsk! Quiet!" naiinis na tugon ko sa kanya.
"So, what's your plan? Are you going to tell about the deal to her?" tanong ni Zeus. Buti naman at alam ni Zeus kung ano talaga ang pakay ko kay Melody. Well, siya naman kasi ang nagsabi sa akin ng tungkol dito.
"Yeah. I don't have a choice, anyway. I need to bring a girl in my lolo as much as possible before its too late." malungkot na tugon ko sa kanya.
"Oh? Then you really have no choice, but to make a deal with her about this fake relationship." saad ni Zeus.
"That's right." muling tugon ko.
Napakunot ang noo ko ng makitang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Zeus si Sean. Ano naman kayang trip ng isang 'to? Tsk! Pagkalaan ng ilang segundo ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Bakit kayo lang ang nag-uusap tungkol d'yan? Sali niyo naman ako." nakasimangot na sambit niya.
"Tungek! Puro kalokohan lang naman kasi ang alam mo e." mabilis na sagot ko naman sa kanya.
"Grabe naman kayo sa akin." nakasimangot na pagmamaktol niya sa sinabi ko. Kaming dalawa naman ni Zeus ay napatawa nalang dahil sa naging asal ni Sean. Para kasi siyang bata ngayon na inagawan ng lollipop. Tsk!
Nag-usap pa kami ng kung anu-ano hanggang sa tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang recess. Parang habang tumatagal at tumatakbo ang oras ay lalo akong hindi mapakali. Yun ang hindi ko alam kung bakit. Parang nanghihina nga din ako e. Magkakasakit pa yata ako ngayon. Bad timing. Tsk!
Nang magsimula na ang klase ay tila mas lalong bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Tila napakabilis ang oras hanggang sa dumating na nga ang oras ng uwian.
"Goodbye, bro!" nakangising paalam ni Sean sa akin. Tsk! Nang-aasar na naman siya.
"Good luck!" saad naman ni Zeus sabay tap pa sa balikat ko. Hala?! Ano bang inaakala nilang gagawin ko at ganyan sila makaasta sa akin ngayon? Tsk! Asar talaga!
"Goodbye, Zach!" wika pa ng iba kong kaklase sabay kindat sa akin ng mga lalaki. Yuck! Nababakla na ba sila sa akin? Kadiri. Tsk!
Mabagal kong niligpit ang mga gamit ko habang nakikiramdam dito sa katabi kong babae na kasalukuyan ding nagliligpit ngayon ng gamit niya.
Hmm... Ako ba ang unang kakausap sa kanya o hahayaan ko siyang unang kumausap sa akin? Pero teka... ako yung lalaki at isa pa, ako yung hihingi ng favor e. Kaya dapat ako ang unang kakausap sa kanya. Kaya lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang paliwanag ko. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Hindi lang talaga ko sanay makipag-usap sa mga babae, okay? Yun lang yun.
"So, what now?" wala pa ding emosyon niyang wika. Hindi ba 'to naturuan ng family niya kung paano makipagkapwa? Tsk!
"A, kasi... ano... haha." Tsk! Bakit ba hindi ko masabi-sabi sa kanya? Tsk!
"If you want to be my friend, then stop it now. Like I said before, I don't want or need rather a friend." wika niya.
Huminga ako ng malalim, tiningnan siya ng diretso sa mata at saka nagwika. "I'm sorry to bother you, but... I badly need a fake girlfriend right now. My lolo was-" Hindi ko natapos ang nais kong sabihin sa kanya ng tumalikod siya sa akin at naglakad palabas ng classroom.
"Tss. Don't play with me. I'm not even a capable of doing something like a fake relationship." walang emosyong saad niya.
I really don't know what to say right now. Nalaman ko nalang na humabol ako sa kanya at hinarangan siya sa pinto ng classroom. Sobrang lapit lang namin sa isa't-isa, but I really don't care. Muli ko siyang tinitigan sa mata. Pagkatapos ay walang emosyon din ang mga mata niyang tumitig sa akin.
"Look. I really need your help. May I ask you again?" tanong ko habang nakatingin pa din sa kanya.
"Tss. I told you. I hate a relationship like fake. Let me leave." Natigilan ako ng biglang lumakas ang boses niya. Napatabi nalang ako bigla at hinayaan na siyang umalis. I can't say anything. She really cold. She is rock as her heart. Tsk!