"Hi, Selene! Kumusta ka d'yan!?" Bati sa'kin ni Kyle nang sagutin nya ang tawag ko sa messenger. Nong makita ko sila ay bigla akong nalungkot. "Namimiss ko na kayo..." malungkot kong sabi. Agad naman na natawa si Gab at inagaw ang cellphone kay Kyle. "Oh, ano bruha namiss mo rin kakulitan namin 'no? Miss kana rin namin dito! Balik kana kasi!" Ani ni Gab at pinakita sa camera si Dean na busy sa ice cream. Napangiti ako ron. Namiss ko na si Kyle! "Oh, ito, busy-ing busy sa pagkain nya. Alam mo bang andaming chicks na umaalagid sakanya simula nang umalis ka?" Tanong ni Gab kaya agad na kinuha ni Kyle sakanya ang cellphone. "Si Selene ba 'yan?" Rinig kong tanong ni Kyle. "Oo!" Sagot ni kyle. "Hello, Selene! Miss na kita. Alam mo ba ang boring boring na ng room ngayon? Tapos si Carla

