Dali dali akong bumaba nang tumawag sa'kin si Dad at sinabing pumunta ng Living room para mag-snack kasama nila. Lakad takbo na nga ang ginawa ko. Sana ay ayos lang si Keflin. Nang makababa ako laking gulat ko nang makita syang umiiyak kaya naiinis akong tumingin sakanila tsaka umupo sa tabi ni Keflin. "Anong ginawa n'yo?" Nakakunot noo kong tanong. Nagkibit balikat sila. "We didn't do anything bad." Sagot ni Dad. They didn't do anything bad pero umiiyak si Keflin. Bumaling ako sakanya na hanggang ngayon ay nakayuko at lumuluha. "What happened?" Bulong ko sakanya. Umiling sya. "I passed." Ani nya kaya mas lalong nangunot ang noo ko. "Huh? Passed saan?" Tanong ko. His mouth curved into smile. "To the challenge." "Uh-huh?" Ngayon ay masaya na ang reaksyon sa mukha nya. Maa

